Kabanata 44- The Separation

17.3K 317 3
                                    

"Lorraine?" Nanghilakbot ako nang marinig ko ang pangalan ko mula sa kanila.

Natulala ako pero agad kong hinamig ang sarili ko. Paputo-putol akong tumawa nang mahina.

"O-oy..." ugh! I was caught! Diyos ko, katapusan ko na siguro. Para akong sira, hindi ko alam kung ngingiti, tatawa o babati ako sa kanila. Para akong nahuli sa akto ng pagnanakaw.

"What are you, doing here?" Seryosong tanong ni Thorin, nilingon ko siya pero nakakunot lang ang kaniyang noo.

"Uhh.. ano po kasi..." nahiya biglang sagot ni Veronica. Ang iba niyang kasama nagkukublitan na lang bigla dahil hindi na siguro alam ang gagawin. Ang kanina kasing magaang mood ni Thorin, napalitan ng nakakatakot na tingin. Hindi niya sinasadyang takutin ka dahil effortless siyang makapanakot dahil lang sa simpleng tingin. Uma-aura ang pagkaintimidating power niya ngayon.

Hayst! Mukhang wala na akong choice, kami pala, na magtapat na sa kanila. Kung itatanggi ko pa, baka nagmukha na akong sinungaling dahil huli na kami sa akto. Jeez! Nagulat ako ng sobra! I didn't expect this to happen. Mabuti na lang nakauniform pa ako, hindi halatang dito ako nakatira. Pero dangerous pa din!

Ugh! Pati isip ko ang gulo gulo. Nagkaramble-ramble na sa pagkataranta ng kaloob-looban ko.

"What? You surprised me a visit. Sabihin niyo na." Ani Thorin. He crossed his arms in front of his chest. Ako naman napapatingin na lang.

"K-kasi po, nakita lang namin yung sasakyan niyo na pumasok sa subdivision na ito. Sinundan po namin ang sasakyan niyo at sinabi sa gate na studyante niyo po kami kaya kami nakapasok. Sir, kasi may kailangan kaming itanong tungkol sa.. tungkol sa project."

Sinulyapan ko si Thorin, mataman niya lang tiningnan sina Veronica matapos nitong magpaliwanag.

Matapos yata ang ilang sandali, kinalas niya ang kaniyang braso sa pagkakaekis at huminga ng malalim.

"I asked you kung anong ginagawa niyo dito, nasagot mo ng tama...Pero hindi ko tinatanong kung paano kayo nakarating dito. I won't allow you to enter my house, pagpasensyahan niyo na kung hanggang dito ko lang kayo makakausap. About your question, hindi ko rin iyan masasagot sa ngayon. Hintayin niyong magkita-kita tayo sa school. At sa susunod, huwag na kayong babalik dito. I never said that you need to come here just to ask some questions. Is that clear?"

"Y-yes sir." Sabay sabay na sabi nila.

"Okay now you may go. And please, shut your mouth kung anong nakita niyo ngayon, kung ayaw niyong ibagsak ko kayo. Now, go!"

Ngangang tiningnan ko siya dahil doon. Sinaway ko siya sa pamamagitan ng panlalaki ng mata pero hindi niya ako pinansin. He's pissed off! Pero mali naman yatang takutin niya nang ganon ang mga classmates ko? It's not right! Ang inaasahan ko ay aamin kaming dalawa at dito naman talaga ako nakatira. Pero iba ang mga sinabi niya. Kita ko sa mukha niya ang pagkairita dahil sa magkasalubong niyang kilay at kunot na kunot na noo. Ipinapakitang hindi siya natutuwa. Sabagay I can't blame him. Sino ba naman ang hindi mabibigla na makita mong binisita ka ng students mo sa mismong bahay mo nang walang permiso mula sayo? Usually kapag professor ka ng isang university, unknown ang bahay mo sa kanila. Hindi iyan tulad ng high school na maaari pa kahit ilang beses nilang balik-balikan.

Naaawang tiningnan ko sina Veronica. Napapahiya sila dahil sa mga sinabi ni Thorin. Somehow, sinisisi ko rin sila kaya nagkaganito. Nakalimutan na ba nilang hindi ordinaryong professor itong si Thorin sa amin? He is ruthless una pa lang! Dapat hindi nila kinalimutan iyon. Dapat naisip nilang baka maaaring hindi sila tanggapin ni Thorin ng basta basta sa pamamahay niya. Are they thinking na close close na? Hello? Dahil lang sa nagiging mabait na siya sa amin sa klase kaya naging kampante sila? Ugh. Paano na ito ngayon? They already know. They saw us...dikit na dikit pa naman ang katawan namin kanina. Sapat nang ebidensya iyon para mahinuha nila kung ano ang meron at kung bakit ako nandito sa bahay niya. Ipagkakalat kaya nila? Ano? Napabuga ako ng hangin sa mga frustrations ko ngayon.

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon