Kabanata 20- The Cliff

26.4K 443 6
                                    

  "Fear cuts deeper than swords." - George R.R Martin, Game of Thrones 


....


"Paano mo nasasabi ang mga bagay na yan?" Tanong ko sa kaniya. Magkatabi na kami ngayon nakaupo sa lilim ng puno. Nakatunghay sa malawak na tanawin ng siyudad.


"Ang alin?"


"Yang gagawin mo ang lahat para sa akin."


"Paano? Puso ko tanungin mo." Lumingon siya sa akin nang nakangiti.


Natawa naman ako. "Paano ko nga ba gagawin yun. Hindi naman yata ako sasagutin niyang puso mo. Did they speak?"


Natawa na din siya. "Yeah your right. But every words came only from my heart. Kaya nga tayo may bibig, ito lang ang nagsasabi pero ang isip at puso ang nagsasabi kung ano ang dapat sabihin. Medyo magulo ano?" Humakhak siya.


"Ganon? But I get it."


"Talaga?"


"Oo. Thank you nga pala kanina."


"That guy... a-anong nagustuhan mo sa kaniya?" Sumeryoso siya at tiningnan ako sa mata. Tiniklop ko muna ang tuhod ko at isinandal ang baba ko dito bago sumagot.


"A-ayoko munang pag-usapan."


"You still have feelings for him?"


"I don't know. Ayoko nang isipin kung meron pa ba o wala na. Gusto ko ng iwan yung past. I want to move on."


"Well... you can move on with me."


"Thorin, hindi ka ba natatakot?"


"Natatakot na ano?"


"Na malaman ng ibang tao. Teacher ka, studyante ako. Everybody's against about student-teacher relationship. Hindi katanggap-tanggap sa paningin ng lipunan. Kasi ako natatakot ako. Naranasan ko na ang masaktan at mapahiya, I don't think I can handle it this time."


"Kung nakayanan mo noon, hindi ba mas dapat maging matapang ka dahil nakayanan mo na? Lorraine, in this world maraming bawal. Pero iisipin mo pa ba ang ibang tao? Sometimes you just need to ignore them for you to be happy. Wait, does it mean?"


Umiling-iling ako. Gusto ko na kasing sabihin sa kaniya na hindi ko pa kaya. Na kahit nagugustuhan ko na siya, mas nangingibabaw ang takot ko. Pero wala din akong lakas ng loob sabihin yun sa kaniya. Mas natakot ako ngayon nang sinabi sa akin yun kanina ni Owen. Pakiramdam ko naramdaman ko na naman ang sakit sa matinding pang-iinsulto ng mga schoolmates ko noon nang nabalitaan ang relasyon ko noon sa kaniya. Puno at binabalot ng pangamba ang puso ko. Ayoko na muna. Kung mamahalin ko man si Thorin, I want this fear to fade away. Gusto ko mamahalin ko siya nang walang takot ang puso ko. Na handa na akong harapin ang sasabihin ng tao. For now, I want things to be slowed down. Hindi ko mamadaliin.

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon