Kabanata 49- Acceptance

16.8K 292 3
                                    

*****

I was very thankful that I made myself confident to go to school despite of what did happen yesterday. Nagkalakas-loob akong humarap sa mga kaklase ko kahit alam kong matindi ang kinakaharap ko ngayon.

Nang makapasok ako sa classroom, lahat sila nagtinginan sa gawi ko. As if I was a very important person na hindi nila palalagpasing mamasdan nang matagal. VIP ika nga. Do I need to say thank you for attention? Siguro nga. Pero aminado akong kinakabahan ako lalong lalo na nang makasalubong ko nang tingin ang mga mata ni Veronica na puno nang pagkagalit. Taas noo akong dumiretso sa aking upuan nang walang ibang pinapansin. Wala pa kasi sina Carol at Sheen kaya wala rin naman akong makakausap. Baka late sila, I'm not sure. I sitted and look them straight in the eyes. Kahit kinakabahan ako, wala naman siguro akong dapat ikatakot. Sila lang yan. Classmate ko lang sila. Kung meron man akong ginagawang masama, sa palagay ko ay wala na silang kinalaman doon. Nasa paningin na lang nila ang paghuhusga pero alam ko sa sarili kong hindi ko to dapat ikahiya.

Everybody didn't speak anything from the time I had entered the room. Para bang lahat sila takot magsalita. Bakit? Ano ba talagang big deal?

Sumunod na dumating si Sheen at Carol. Halos magkasabay pero nang makapasok sila, minabuti nilang umupo sa kaniya-kaniyang upuan nang makitang tahimik ang buong room. Oo nga naman, hindi ka na maglalakas loob mag-ingay kung ramdam mo ang tensiyon ng bawat isa.

Kung ano man ang nasabi nila Veronica sa iba? Hindi ko alam. Marahil ay nabanggit nilang pinagtabuyan lang sila sa bahay ni Thorin. Hindi ako nahuli sa tamang akto. Ewan ko ba, hindi ko maarok sa sarili ko ang katuwaan. Katuwaan na hindi ako nabuking kahapon, iyong officially confirmed talaga. Parang ang bigat sa dibdib na ganito ang sitwasyon namin ni Thorin, hindi kami malaya na ipaalam sa ibang tao ang relasyon namin. Lalo na ngayon na nakasakit na ako ng tao, una ay si Ynna. Ngayon ay si Veronica. Sino pa kaya ang maidadagdag? Hahayaan ko pa kayang may isa pang masaktan dahil sa iniingatan naming pagmamahalan? Hayst. This is very very very hard.

Minsan naiiisip ko na ring, paano kaya kung umamin na kami sa mga kaklase ko. Kung tutuusin ay nalaman na nila, not only Veronica but also the others who saw us. Sa palagay ko kasi wala nang punto kung patuloy ko lang itatanggi. Dapat pala ay tinanong ko si Thorin kung anong balak niyang gawin mamaya sa meeting namin. He just said... "ako na ang bahala." That's it lang naman. Alam ko kailangan ko lang magtiwala. And I'm giving him my trust.

Time passed until Thorin has entered the room. Everybody didn't say anything, nor greet him good morning. Ni kibot yata nang labi wala kang maririnig. Walang ni isang tumayo, maging ako. Bakit ko gagawin? Eh nagmukha naman akong tanga non.

"Good morning class." Aniya nang makatayo siya sa teachers table. He looked at me and then roam around his eyes.

"I know there is some issue in this room. But I won't tolerate that issue to affect your academics so I'm going to discuss normally. I will speak to you all pagkatapos nang lesson ko. For now, let's start our discussion."

He discussed the continuation of topic yesterday. Nakisama naman ang mga kaklase ko kaya walang naging problema. May nagrecite, may nakasagot nang tama at lahat ay nagsikuha nang kaniya-kaniyang papel para sa short quiz. Nang matapos ang checking at pagpasa sa kaniya nang mga papel, tahimik muli at inihanda ni Thorin ang kaniyang sarili sa pagharap sa amin. I think dito na pag-uusapan ang dapat na pagmemeetingan sa faculty. Sabagay, lahat nga naman ay involve. Pinagdarasal ko na lang na sana ay wala pang nakakalabas na usapin na ito maliban sa amin-amin lang. Matatabil pa naman ang dila ng iba, hindi mo mapipigilan.

He sighed and step down from the platform. Pumunta siya sa center isle ng klase at humawak sa bakal ng upuan. Pinagtagis niya ang kaniyang mga bagang habang ako ay inihanda na lang ang sarili sa napipintong seryosong usapan. Grabe, daig pa yata nito ang hearing sa isang krimen. Nakakaloka ang kaba na nararamdaman ko. Ewan ko ba.

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon