Kabanata 7- The Chicken Dance

34.4K 644 23
                                    

Disaster. Ayan lang naman ang simpleng salita ngunit nakakatakot na masasabi ko sa nangyari sa subject niya. I hate him more big time!


When he entered the room, expected na naming na mukha na naman siyang demonyo, pero gwapong demonyo. Pfft. Saan ka nakakita ng gwapong demonyo? Naisip ko, siguro kung maraming gwapong demonyo marami magpapakasama lalo na sa mga babaeng uhaw sa biyaya ng mga kalahi ni Adonis.


Hindi nga ako nagkamali. Ang mga kilay niya salubong at tila nag-aapoy na naman ang mga mata. Hindi ko talaga siya maiintindihan kahit kailan, napakahirap alamin ng mga iniisip niya na parang buong mundo pasan -pasan niya. He start the class at tulad ng dati kapag hindi nakakasagot pinapaulanan niya ng mga katakot-takot na sermon at pamamahiya. At hindi ko inakala mararanasan ko rin palang mapahiya ng sobra. Argh!


My phone rang loudly.


Oh stupid!!


I silently cursed. Bakit ko ba kinalimutang i-off ang cellphone ko? Umaatikabong kabog ng dibdib ang naramdaman ko sa mga sandaling yun. Pinagpawisan ako ng malamig at nagmamadaling hinanap at pinatay ang nakakaasar na cellphone. Hindi na ako nag-abalang tingan kung sino ang tumawag at baka hindi ko matiis awayin sa text. Kasalanan ito ng kung sino man iyon kaya humanda siya sa akin.


I looked at him walking towards me. Kung kanina galit siya ngayon nasusuklam na. Oh God what am I gonna do?! Hindi ko siya matingnan sa mata sa halip nakita ko ang mga classmates ko na mayroong iba't ibang ekspresyon sa mukha. May napapailing, may nag-aabang ng kung anong susunod niyang gagawin at mas marami sa kanila ang naaawa sa akin. Huh! Anong nakakaawa sa akin? Hindi niya naman siguro ako kakainin ng buhay hindi ba? Carol and Sheen also have the same expression like others. Nakakaawa nga siguro talaga sitwasyon ko. I hate it!


"Give...me...your...phone..." Mahina ngunit madiin ang pagbibitaw niya ng mga salita habang nakalahad ang kanang kamay.


Nagmamadali ko ding kinuha at inabot iyon sa kaniya. He grabbed it nang padarag. Galit na galit nga. I know it's my fault but heck! Mas naiinis ako ngayon sa kaniya!


"You don't know the rules Ms. San Juan? Well I suggest sa susunod na lilipat ka man ng school better to know the rules first before studying. Nakakabobo ang sobrang katangahan. You have your head but you're not using it either. Hindi ko ipinahihintulutang gumamit ng cellphone ang sinuman sa klase ko. Now... face the consequences. Harapin mo ang parusa ko."


"W-what?"


"You heard it right Ms. San Juan." Naglakad-lakad siya front and back na tila pinag-iisipan kung ano ang magandang parusa.


Parusa? Ano to high school? What the hell?


"Alright. Stand up." Makapangyarihan niyang utos. There's a playful smirk on his face. Kapag kalokohan lang tong ipagagawa niya humanda siya at baka hindi ko siya matantiya. Hindi ako basta-basta magpapauto sa kaniya.


I stand up. Hindi pa rin nawawala ang mumunting kaba sa dibdib ko.


My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon