Kabanata 1- First Glance

80.7K 1.1K 11
                                    


*********

"Lorraine, do you understand?"

Napakurap ako. Tss. Spacing out again. Nilingon ko ang ate Laureen ko.

"What?"

"Hindi ka na naman nakikinig. Ang sabi ko, mamayang alas sais ng gabi text mo ko kung nakapag-out ka na. We're going to meet someone." May pagkainip sa boses na sabi niya.

"Sino?" kasabay noon ang pagkunot ng noo ko.

"Your meeting August Santos." Sumilay ang ngiti sa labi ng ate ko na may kasama pang sparkling and twinkling eyes. Oo alam ko medyo over description ang sinabi ko pero kitang kita ng dalawang mata ko ang kislap sa mata niya nang binanggit ang pangalang iyon. How pathetic. Naging in-love lang ang laki na ng pagbabago sa ate ko. I don't even understand how love can change people in just one snap. Pero sa case ng ate ko, hindi siya nagbago. Lalo siyang bumait. At hindi ko alam kung good ba o yon o bad.

I stood up. Tinunghayan ko ang langit na tila may paparating na unos dahil sa kulay nitong red-orange. Hudyat na papalubog na ang araw. Amazing to see yet nakakakilabot. Once may nakapagsabi para daw itong sumpa. Paniniwala nga naman.

Lumapit sa tabi ko si ate Laureen.

"I know Mom and Dad are happy now." She tapped my left shoulder. "Makakaya rin natin to Lorraine, we just need to stick to each other. Tayong dalawa na lang ang natitirang mag-kapamilya ngayon." She smiled and hugged me from the back. "Alam mo, ang laki ng pasasalamat ko, kasi nagkaroon ako ng kapatid na tulad mo. Kaya kahit na anong mangyari, kahit mag-asawa man ako o magkapamilya, hinding hindi kita iiwan. That's a promise."

I smiled. Naramdaman kong namasa ang mata ko sa tuwa. Ate never leave my side simula nong maulila kami. Yes, we are alone now. Namatay si Mommy at Daddy due to plane crash two weeks ago. Para kaming pinagsakluban ng langit at lupa noong panahong nabalitaan namin ang nangyari. Pupunta sana silang Paris para sa celebration ng ika -25 years ng kanilang pagsasama. They were very happy back then. Masayang-masaya silang nagpaalam sa amin sa airport bago pumasok sa departure area. Hindi namin inakala na iyon na pala ang huli naming pagkikita. Pareho naming naramdamang tila may isang kaputol ng aming pagkatao ang nawala. Nakapanghihina, nakapanlulumo. Mahirap man tanggapin, nagpakatatag kami. Sabi ni ate kahit ano mangyari andito lang siya sa tabi ko. Pinatunayan niya iyon . That's why I really love her. Nagpapasalamat ako sa panginoon na kahit naulila kami sa magulang hindi niya kami pinabayaan.

Hinawakan ko ang braso niyang nakapulopot sa leeg ko.

"Ate, thank you. Alam kong madrama ka, pero hindi ko alam na naging kayo lang ni August may mas idadrama ka pa pala." Tumawa akong mahina. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.

" Okay? So madrama ako? Eh ikaw pusong bato." She laughed again. Nakaharap na siya sakin nang may masayang mukha. Somehow nagpapasalamat ako na dumating sa buhay niya si August. Una tutol pa ako sa relasyon nilang dalawa,.Ganito lang ako pero protective kami sa isa't isa. Pinangako namin sa sarili namin noon na kung sinumang lalaki ang sa palagay naming mamahalin namin ng buong buo, kikilalanin ng lubos ng isa. Pero nakalimutan yata ng ate ko yon, kasi mas minahal niya si August kesa sa akin. Nagkaroon pa kami ng kaonting tampuhan noong panahon na iyon. Iyon ay dahil nakita ko si August na may kasamang ibang babae when by that time nililigawan niya na si ate. Una ang akala ko pinaglalaruan niya si ate pero napatunayan ni August iyon sa pamilya. Parang kailan lang isa si mommy sa naging tulay para magkasundo kaming magkapatid. But now, I can't help but sigh. Naroon kasi yung katotohanan na wala na ang itinuring naming ilaw sa aming buhay. And Dad, he's the greatest father. Ibinigay niya lahat para sa aming magkapatid kahit hindi kami ganoon kayaman. Mom is a teacher and Dad is Engineer. Simple life yet full of joy.

Mom is pure Filipino while Dad is half American, pareho namin nakuha ni ate ang tangos ng ilong ni Dad at mata, samantalang nakuha namin kay Mommy ang mala-porselanang kutis. Mas matangkad ako kay ate. But just 1 inch. I guess? Pero ang iniinsist ng kapatid kong to pantay lang daw kami. She's 5'6 and I'm 5'7. We also practice English since may mga kamag-anak kami sa States.

"Pusong bato? Kanta yun ah." Ngumiti ako ng malapad. Argh! So lucky having this pretty sister.

"Yeah. Kanta pero saktong sakto sayo. Halika na nga sa baba, kailangan na nating kumain at nang makabawi. Kailangan mo nang pumasok sa nilipatan mong University. Ikaw kasi ang sabi ko naman sayo hindi mo na kailangang lumipat, ikaw itong nagpupumilit."

"Ate, pag-uusapan na naman ba natin ito? We've talked about this countless times!" hindi ko na napigilan magreklamo. Ilang beses ko bang ipapaalala na ayoko na sa school na yon, at tsaka kailangan kong mag-move on. Maraming bagay nakakapagpaalala sa school na iyon tungkol kay mommy at daddy at paniguradong malulungkot lang ako kapag bumalik pa ako don. Since first year of schooling nandoon na ako sa school na iyon.

"Okay, okay, okay. So, I'll fetch you later. Just text me, alright sis?!"

Tumango na lang ako. Iyan ang isa sa kinaiinisan ko sa kanya, she keep on repeating something kahit na settled na ang issue.

It's already 9am when I arrived at school. Wala pa akong sasakyan so hinatid na lang ako nang ate ko. Sometimes it's kinda irritating na parang binibaby niya ako. At hindi na ako baby, I'm already 19 years old! For Christ sake!

It's my first day here at nangangalahati na nang semester nang lumipat ako. Inikot ko ang paningin ko sa campus na natatanaw ng mata ko. Kung ikokompara sa pinanggalingan kong school, masasabi kong mas maganda rito. Inilabas ko schedule ko at hinanap ang first assigned classroom ko.

"You! Pick that piece of paper! Ano ba naman kayo mga uhugin na kayo hindi pa kayo marunong magpulot ng kalat dito sa corridor! Daig pa kayo ng Elementary!"

Napakunot ako ng noo nang nakita ko ang pinagmulan ng boses na yon. Who is he? Is he some president nagging whoever he sees?

****

Plugging my other story.
Never An Incest.
Support please! Thanks! :)

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon