Kabanata 8- His Side

38.8K 661 5
                                    

Subsob mukha. Patunog ng mga daliri, kagat-labi at hingang malalim. Ito na lang ang naiisip kong gawin sa sitwasyon na to. Nakakainis, hindi ako mapakali kung ano maaaring mangyari mamaya. Andito kami ngayon sa canteen. Pinapanood lang ako ng dalawa na nagkakaganito.


"Anong gagawin ko?" Frustrated na talaga ako.


"Nakakaloka ka tingnan girl."


I pouted. Hindi talaga ako mapakali!


"Nasubukan niyo na ba mapunta sa sitwasyon na to? Kung oo siguro maiintindihan niyo ako."


"Oo naiintindihan nga namin ,makita ka pa lang intinding-intindi na." Carol again.


"Huwag ka na masyadong mag-alala. Hindi ka naman kakatayin." Suhog ni Sheen.


"Ang harsh mo talaga!" Carol


"Bakit? Lorraine walang mangyayari kung gaganyan ka. Mababaliw ka lang."


I sighed. Nakakailang buntong-hininga na ba ako mula pa kanina? This is so awful!


"Anong oras na ba?" Tanong ko. Hindi pa natatapos ang lunch break at parang wala akong lakas ng loob pumunta sa faculty room. Nakakainis hindi ko gusto talaga ang mga nangyayari.


"12:30. Thirty minutes ka na lang friend. Ano kaya mo ba? Kailangan mo ba ng back-up? Ano?"


Natawa ako. Anong back-up? Giyera lang?


"Sira!" Natatawa ring sabi ni Sheen.


"Bakit? Malay mo kung ano ipagawa ni sir. Mabuti nang handa sa darating na sakuna."


"Heh!"


"Okay lang kaya ko na. Mamaya puntahan ko na lang kayo. Sana hindi to malala." Mapait akong ngumiti at huminga ulit ng malalim.


Kung umakto kami parang bibitayin ako. Naiisip ko ang senaryo mamaya at hindi ko yun gusto. Yung tipong itatali ako sa upuan at itotorture o bibigyan ng katakot-takot na trabaho, alam kong dapat ko pagsisihan ang ginawa ko kaninang pagtalk-back sa isang teacher pero parang sa kaloob-looban ko wala akong pinagsisisihan. Masyado kasi siyang walang modo. Ginawa niya akong katatawanan kanina at hanggang ngayon ramdam ko pa din ang sobrang pagkapahiya.


Hay! Kung hindi lang masamang manumpa ng tao ginawa ko na eh.


Nagpaalam na ako sa kanila. Pinilit pa nilang sumama pero hindi na ako pumayag. Ayoko rin ng masyado akong kinakaawaan. Nilakad ko ang daan papuntang faculty room ng accountancy department nang may mumunting kaba. Naglalaro sa isip ko mga mangyayari mamaya.


I knocked slowly at the door when I step on front of faculty room. Binuksan ko iyon at nakita ang professor kong prenteng nakaupo at nakayuko habang nagbabasa ng textbook. Medyo magulo ang buhok at bahagyang nakababa ang reading glasses sa matangos niyang ilong. Kahit naiinis ako sa kaniya hindi ko naiwasang humanga. Ugh! Naiinis ako sa kaniya kaya hindi ako pwedeng magkaganito! Isinara ko ang pinto. Hindi ko alam kung minamalas ba ako o ano eh. Siya lang mag-isa rito at kung nasaan ang ibang teachers ay hindi ko alam. Lumapit ako sa kanya.

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon