Kabanata 43- House hunting

16.9K 272 7
                                    


  "No matter how long you train someone to be brave, you never know if they are or not until something real happens." -Veronica Roth, Insurgent



  

♡♡♡♡♥♥♥♥♥♥♥

Hanggang sa pag-uwi ng bahay, dala-dala ko sa isip ko ang mga bagay-bagay tungkol sa relasyon namin ni Thorin. Zero visibility na ang takot sa puso ko pero hindi ko pa rin maiwasang mag-isip.

Kahit handa na akong matulog bumabagabag pa rin iyon sa isip ko. Paano nga kung makatagpo kami ng mga taong mahihilig manghusga sa kaniyang kapwa dahil hindi maganda sa paningin ang nakikita nila. Parang mahirap isipin, sana naman hindi. Sumasagi rin sa isip ko ang natanggap kong text nung nakaraang araw. Paano kung may masamang banta ang tao na iyon? Paano kung may gawin siyang hindi tama? Ugh. Nasisiraan na yata ako ng bait. Kung ano ano na nasa isip ko.

Nakatulugan ko na lang sa gabi na iyon ang pag-iisip. Kinabukasan ginawa ko ang daily routine at bumaba sa komedor para sa almusal. Naroon na silang tatlo, as usual huli na naman ako. Tulad nang mga nakaraang araw may note ulit mula kay Thorin sa aking plato, saying good morning.

Sinulyapan ko ang mag-asawa, hindi nag-uusap at nagpapansinan. Ako hindi pa natatapos sa pagkain pero nagulat ako nang biglang tumayo si ate at nagpaalam na papasok na sa trabaho. Napaaangat kami ng tingin ni Thorin pero si August tuloy lang sa kaniyang dahan-dahang pagsubo. Nanatiling nakayuko. Nagkatinginan kami ni Thorin pero pareho na lang din nagkibit-balikat.

"I'm also done. Bilinan niyo na lang si manang bago kayo umalis. Excuse me." Mabilis na tumayo si August at umalis.

Napailing-iling ako nang kami na lang ni Thorin. Tiningnan ko siya. "I'm also done." Seryosong sabi ko.

Siya naman na nagsisip ng coffee, natigilan nang sabihin ko iyon.

"What? Anong you're also done?" Kunot-noo niyang sabi.

"I'm done eating. Kinabahan ka ano? Haha. Tara na malelate na tayo."

"Ah, akala ko naman. Tsk. Sige." Tinapos niya ang pag-inom nang coffee at tumayo. Tinawag niya si manang at pagkatapos ng ilang bilin ay umalis na.

Mabilis lang ang naging byahe at narating namin ang school. Hindi tulad ng dati, sabay na kami ni Thorin bumaba ng kaniyang sasakyan pagkapark ng kaniyang kotse. Naghiwalay na lang kami ng daan kaya mag-isa na lang ako ngayon naglalakad sa usual kong daanan kapag pumapasok. He choose to go on the other stairs na mas malapit daw sa faculty room. Medyo nagulat pa ako sa sumalubong sa akin at sumabay si Richmond umakyat ng hagdan.

"Bakit?" Sabi ko saka nagtuloy ng lakad. Naramdaman kong sumunod siya. Umaakyat na kami ngayon ng hagdan.

Hindi pa rin siya nagsalita kaya nilingon ko siya. Nasa bandang ibabang baitang ko siya kaya hindi ako nahirapang pasimple lang lumingon.

"Tsk." Singhap ko.

"Mukhang masaya ka ah." Nagulat ako nang bigla siyang magsalita nang nasa ikalawang palapag na kami. May iilan ding sumasabay na student pero hindi ko na pinansin.

"So?" Pagsusungit ko.

"Nothing. Napansin ko lang.... I wonder, kailan kaya iyan tatagal?"

Natigilan ako sa paghakbang dahil doon pero nilagpasan niya na ako at dirediretsong naglakad. Natuliro ako bigla, ewan ko ba kung bakit. Anong ibig sabihin ng sinabi niya? Na may limitasyon ang mga kasiyahan ko? Kahit alam kong hindi ko na siya dapat intindihin, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sa sinabi niya. Huminga ako nang malalim at nagpatuloy sa pagpanhik patungong classroom.

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon