Kabanata 55- Strong

13.5K 270 9
                                    

  "If you build the guts to do something, anything, then you better save enough to face the consequences." Criss Jami, Killosophy 



#####

"Wow. Anong meron?"


"May concert yata. May microphone pa dude!" Sinundan pa nang malakas na tawanan.


"Hindi yan concert dude. Prayer meeting yan. Haha!"


"Tsk. Tingnan nyo, si Ms. Ganda ang nasa stage. Ano kakanta ba yan?"


"I don't think so."


Sinundan pa nang isa pang malalakas na tawanan mula sa grupo nang mga lalaking naglalakad sa harap ng stage, facing the big oval school grounds. May mga mangilan ngilan din akong narinig na iba pang dumadaan, pinag-uusapan ang tungkol sa ginagawa namin. Ano nga bang ginagawa nang grupo namin sa harap ng crowd na ito? Ang totoo? Hindi ko rin alam eh. Napagtanto ko na lang na narito na kami, nakatayo at handa nang magsiwalat nang katotohanan sa kanila. Ang katotohanan na hindi ako buntis. Ugh. Kapag naiisip ko parang ang sagwa pa pakinggan o isipin, not that I don't like to have one but not at this stage na hindi pa ako handa.


"Oy! Tingnan niyo oh! Anong meron?" Ani naman ng babae na napadaan kasama rin ang iba pa niyang barkada. Abala sina Carol sa pag-aayos nang gagamiting speaker habang si Thorin ay nasa gilid at may kausap na school service crew, hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila. Samantalang ako, natutulalang pinapanood ang mga studyanteng napapadaan at pinag-uusapan kung anong meron sa kinatatayuan ko.


I know this is humiliating, pero sige handa akong gawin ang narrapat para sa ikatatahimik namin. Hindi ko rin naman gustong mayroong problema. Sino nga ba naman ang may gusto na may problema siya hindi ba?


"Lorraine, you're ready?" Nilingon ko si Carol na lumapit at tiningan kung handa na nga ba ako. Alangan akong tumango, unsure kung handa nga ba. Inisip ko na ang mga dapat kong sabihin, habang nag-iisip ako ay hindi ko maiwasang kabahan. What will happen after? Maiintindihan kaya nila ako? Pakikinggan kaya nila ako? Parang naimagine ko tuloy yung mga napapanood at nababasa ko na pinagbabato ng mga papel o binubuhusan ng tubig yung bidang babae, bullying ika nga.


Huminga ako nang malalim at sinulyapan si Thorin na kasalukuyang nakatingin sa akin habang nakikipag-usap sa nasa gilid niya. Nagpaalam siya at lumapit sa akin, humiwalay naman si Carol at lumapit kay Sheen.


"Honey..." hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa kaniyang labi. "Everything's gonna be fine. Kaya natin to."


Tumango ako. "HIndi ko alam kung bakit kailangan pang mangyari ito."


"Stop over thinking, makakaya natin to. Tayo pa? Besides, alam naman na nating mangyayari ito."


"I know that we are somehow expecting this but I never imagined that it will feels, like this. It's hard. Nakakakaba na nakakatakot."


"Hindi naman kita iiwan. So, stop worrying. I'll never leave you."


Hinarap ko siya. "Paano kapag nawala ka na dito ano na lang ang maaaring mangyari sa akin dito. I'm afraid."

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon