Kabanata 31- Advices

19.9K 348 4
                                    

  "As he read, I fell in love the way you fall asleep: slowly, and then all at once." - John Green, The Fault in our Stars  


***


Natapos ang buong araw. Kakatapos lang ng last subject namin at naglalabasan na ang mga classmates ko.


"Sabay na tayo labas?" Tumango ako kina Sheen.


Sabay sabay kaming lumabas ng classroom. Nakatanggap na ako ng text na naghihintay na si Thorin sa coffee shop sa tapat. Ibang klase ang bilis. Tsk.


Naglalakad na kami palabas ng campus at pulos kuwentuhan ang dalawa. Samantalang ako ito, nakangiti nang wala sa sarili. Hindi ko alam pero parang ang saya ng pakiramdam ko na magkikita kami at posible pang magkaroon ng date. Ang gaan ng pakiramdam ko eh. Excited yata ang tawag dito. Whoa? Kailan pa ako nakaramdam ng excitement na makakasama ko si Thorin? Naku masamang pangitain na talaga ang pag-ibig na ito. Nakakailang araw pa lang simula nang umamin ako sa sarili kong mahal ko na siya pero parang ang laki laki na ng impact niya sa akin.


"Ah guys. Una na kayo uwi. May dadaanan pa pala ako." Paalam ko sa kanila. Sabay nila akong nilingon.


"Huh? Saan ka pupunta?" Tanong ni Carol.


Umiwas ako ng tingin. "Diyan lang."


"Weh?" Sabay pa nilang tanong.


Natawa ako kunwari. "Basta may dadaanan lang ako. Mauna na kayo. Okay?" Saka mabilis na hinalikan sila bilang paalam. Tumango na lang sila saka nauna nang maglakad. Huminto muna ako at pinanood silang makalayo. Kailangan ko lang mag-ingat na hindi nila ako makikita. Kailangan kong makasiguro. Nang makasigurong wala na sila sa paningin ko mabilis kong pinuntahan ang coffee shop kung nasaan si Thorin. Walang lingon-likod na pumasok ako sa shop. Iginala ko ang paningin ko nang makapasok ako. Nasa gilid siya at kumaway sa akin. Cinompose ko ang sarili ko at tipid na ngumiti habang naglalakad.


"Hi." Aniya. Tumayo pa siya nang makalapit ako. He gave me fresh flowers. Mapupulang rose na naamoy ko din ang bango. Naoverwhelmed naman ako dahil effort na para sa akin ang binigay niya. I smiled sincerely to him.


Pinaghila niya ako ng upuan. "Salamat." Inilapag ko sa lap ko ang bulaklak.


"Anong gusto mong kainin?"


"Ah... dito ba tayo kakain?" Nag-aalangan kasi ako. Malapit lang ito sa school at baka may makakitang studyante. Ayokong magtake ng risk at gusto ko mag-ingat.


Kumunot noo niya. "You don't like in here?"


"Hindi naman sa ganon."


"Oh? Then why?"


"Gusto ko sana sa malayo dito. Alam mo na." Pangiwi akong ngumiti. Patingin tingin din ako sa labas. Ewan ko ba pero hindi ako siguro matatahimik kung dito lang kami. Professor pa rin naman kasi siya. Ayokong mapag-usapan siya ng kung sino dahil may kasama siyang eatusyante at babae pa. Ayokong masira ang image niya sa school kaya hangga't maaari gusto kong umiwas.

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon