Kabanata 12- Property

42.5K 658 5
                                    

"Lorraine...!" Kasunod ng pagtawag ang sunod-sunod na katok ang narinig ko mula sa pinto ng kuwarto.

Nalukot ang mukha ko. Inaantok pa ako dahil hindi ako agad nakatulog kagabi. I don't know but something's bothering me and I don't know what is it.

"What?" Sigaw ko. Ang ganda ng morning ko.

"Gising ka na?" Tanong niya.

"Hindi ate, natutulog pa!" I sarcastically said. Ang ganda ng tanong eh. Multo sumagot. Hmp.

"Whatever. Bilisan mo na. Sabay tayong mag- aalmusal kasama si Thorin."

Kumunot ang noo ko habang bumababa ng kama. "Bakit pa?" Angal ko. Talking between the door closed. Maganda to. Wala ako sa mood magbukas ng pinto at tinatamad lang ako.

"Anong bakit? Don't ask, just prepare yourself. Naghihintay na sila sa baba." Medyo iritado na boses niya.

"Kailangan ba talaga?"

"Oo nga!"

"Alright, give me 10 minutes." I grabbed my towel. Hindi muna ako maliligo. Nagmamadali mag- almusal ang mga tao, baka nagugutom na. Tss.

"Sige. Bilisan mo." And then I heard her footsteps fading away.

Mabilis akong natapos mag-ayos. I don't want to look like messy to other people. Nagtali lang ako ng mahabang buhok. White t-shirt and maong shorts na hanggang tuhod and ready to go. Naglagay na rin ako ng kaonting pulbos.

"Finally." Sabi ni ate ng akmang pababa na ako ng hagdan. I walked downstairs and then I saw ate Laureen, August and someone na hindi ko makita ang mukha dahil bahagyang nakayuko. Sabay na nakatingin sakin si ate at August while "Thorin" is still not looking habang kinakalikot cellphone niya at nakaupo sa couch nang nakade-kuwatro.

Napakunot ako ng noo habang naglalakad pababa ng hagdan.

"Thorin.." tawag ni August sa kapatid niya. Nakalapit na ako.

"Huh?" Kasabay noon ang pag-angat niya nang tingin na nakakunot ang noo.

Napanganga ako. LITERAL!! Capslock para intense. Oh what the world is happening? Can someone please explain to me? Anong ginagawa ng professor ko dito sa bahay na bagong tinitirhan ko?

Tumikhim siya. Bakas din sa mukha niya ang gulat pero hindi tulad ko na napanganga talaga. This is so surprising! Paano ko tatanggapin sa sarili ko na nangyayari ito?

"How pathetic. Is that the right reaction when you see someone you know? Seriously?" He said rudely saka tumayo.

Nakilala niya ako agad?

"Lorraine. Hoy, isara mo nga yang bibig mo." Saway na ni ate. Doon ko rin naalalang nakanganga pa pala ako. Pakiramdam ko pinamulahan ako ng mukha.

"Seems you know each other." August concluded.

Tumango lang ako. "Ikaw yung kapatid ni August?" Tinanong ko si sir Thorin. Napahiya ako pero kailangan kong umakto ng maayos.

"Uhuh." Tumango siya. "So ikaw pala si Lorraine na katabi kong natulog kagabi sa room ko." Ngumisi siya habang nakapamulsa. Magkaharap na kami.

Nanlalaki ang mata ko siyang tiningnan. "Ano?!"

"What? Did I said wrong?"

"Sir..." madiin kong sabi. "Your unbelievable. Ikaw ang biglang pumasok sa kuwarto. Ako ang nauna don." Huh! Ano ba naman to? Sinasabi niya bang sinadya kong tumabi sa kanya sa pagtulog?

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon