EPILOGUE

27.3K 326 2
                                    

"Say hi to camera. Ipapakita natin yan sa mga magiging anak natin."

"Ano?! Bakit ang agaran naman nang isip mo? Kagabi ka pa."

"What? I want to show to them kung gaano ko kamahal ang mommy nila."

"Baliw ka na."  

"Crazy for you?" 

"Bakit ka ba tawa nang tawa? Kinakabahan ako kung paano ako magpopropose sayo nang hindi nagmumukhang katawa-tawa pero ito ngayon, tumatawa ka na. Honey naman."

"Haha. O sige na sige na. Continue..."

"Tsk."

"Ano? Ituloy mo na. Hindi na ako tatawa." Napapangiti pa rin ako. Halos mapunit na ang labi ko sa kakangiti, ewan ko ba at di ko mapigil.

"I'm sorry for making fun of you noong nahulihan kita nang cellphone. That wasn't my intention to embarassed you. Siguro, paraan ko na lang iyon para makausap ka, nang masinsinan. Nang tayong dalawa lang... I really like to be with you nang mga unang araw mo rito. Madalas akong lumalapit.. alam mo namang mahal na kita noon pa, hindi ba? I really tried my best to control myself. But I didn't know that we have to be so close to each other na tumira ka sa iisang bahay kung saan ako nakatira. Maybe that was planned by that thing called tadhana."

"Are you a fan?"

Shit! I cursed and ran towards Thorin na natatatawang pinapanood ang video ng proposal niya sa akin nang araw na iyon. Inagaw ko sa kaniya ang remote para patayin saka pinameywangan siyang sinermunan.

"Honey naman." Ngumuso siya at pinilit inagaw sa akin ang remote control pero kahit kanda-hirap akong umiwas hindi ko pa rin binigay sa kaniya. Baliw talaga to.

"Ugh! Thorin you promised me."

"I didn't."

"But you did!" I closed my eyes in frustration pero napadilat din agad sa mabining haplos niya sa kaliwang braso ko.

"Honey, I am just happy kaya ko pinapanood iyan nang paulit-ulit." Ngumisi siya kaya pabiro ko naman siyang tinampal sa braso. Umirap ako, naglakad patungo sa player at inilabas ang CD. Binalik ko ito sa album kung saan nakalagay lahat ng memories namin. We both want to have this so ito, kumakapal na sa dami ng photos and videos naming dalawa. Sinara ko ang drawer nang maipasok ko ang album.

Bahagya pa akong nagulat nang ikulong niya ako sa kaniyang mga braso. He sniffed my scent then rubbed his rough chin at my skin. Nanlabot ang tuhod ko at nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan. Pumikit ako, feeling the comfortable hug from him. Iginilid ko pa ang aking ulo ng hawiin niya ang aking buhok.

"You're so lovely, honey. Hindi bagay sayo ang nagagalit."

Umikot ako paharap sa kaniya at ngumuso. He just laughed and kissed me on my forehead.

He pinched my nose. Thorin always do that kapag nanggigil siya, at alam kong sa ngayon ay nanggigil na siyang gawin ang madalas na namin ngayon ginagawa. Halos sa isang araw, aabot ng lima hanggang sampu. Hindi ko naman binilang ano ho?

Lalo ko siyang minamahal sa araw-araw lalo na kapag ginagawa namin iyon. Wew. I'm such a girl, loving her fiancee so much. Hindi na yata ako masasanay sa kilig na binibigay at inaalay niya sa akin kada araw.

Nagtataka ka kung ano ang ginagawa namin, 5 to 10 times a day? Well, we we're just...

"Hon?"

Napakurap ako mula sa pag-iisip.

"Halika na sa kuwarto." Yaya niya. Ngumiti siya ng nakakaloko kaya natawa ako.

"Natutuwa ka talaga ah."

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon