Kabanata 26- Courtship

25.2K 405 2
                                    

  "Freeing yourself was one thing, claiming ownership of that freed self was another."
― Toni Morrison, Beloved   


***


"You're so sexy. Pero ayoko nang maulit ang ginawa mo kanina. Nakabibigla ka."


Napasinghap ako sa prangkang pag-amin niya. Whoa!


Napatitig ako sa maganda niyang mukha. "T-Thorin..."


"Promise me. You won't do that again. Okay?"


"S-sige." Pagsang-ayon ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko kaya hindi ako makapagsalita ng diresto. Nauutal na naman ako. Paano kasi, sobrang dikit niya sa akin, ramdam ko ang mga kamay niyang nakapulupot sa beywang ko. Pati mukha niya at mukha ko ay malapit na magkadikit. Oh God.


Kumalas na siya makalipas ang segundo ng pagkakatitig sa mukha ko.


"Saan na nga pala si Ynna?" Tanong ko para mabawasan ang pagkailang.


"She left. Iniwan ko na lang kasi siya basta kanina. Bakit mo hinahanap?"


"Wala. Wala naman."


"Hmm... ang ganda mo." He smiled.


Kinilig naman ako. Letse!


"Huwag mo na akong bolahin."


"No. Hindi ako marunong mambola." Natawa siya.


"Whatever." Tinawag ko si ate pero hindi niya ako nililingon. Patay-malisya lang siguro kahit naririnig ako. Busy busyhan sa pagkausap sa asawa na ngayon ay nasa pool na din.


"Bakit hindi ka naniniwalang maganda ka?" Tanong niya.


"Ganyan ang mga lalaki. Kahit hindi totoo, sinasabi nilang maganda ang isang babae makuha lang ang loob nila."


"Well... a part of that is true. Pero sa case mo, totoo ang sinasabi ko."


"Sinong mas maganda sa amin ng bestfriend mo?" Ay paktay! Bakit lumabas sa bibig ko yun?


Napabulanghit siya ng tawa dahilan para mamula ako ng sobra. Parang bigla ko ding kurutin ang mukha niya dahil sa nakakaamaze ang kaguwapuhan niya kapag tumatawa. Wagas!


"Your asking me if sinong mas maganda sa inyo? Lorraine... hindi ako makapaniwalang kailangan mo pa itanong yan. Alam mo na ang sagot di ba?"


"Tsk. How would I know? Sinabi mo ba? Am I sort of psycho?"


"Hindi... Maganda nga sila pero para sa taong nagmamahal, it always make an exception. You will be the most beautiful in my eyes Lorraine kahit gaano pa sila kaganda."

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon