Chapter 6: Compassion

30 10 2
                                    


Compassion is putting yourself in someone else's shoes and really feeling for them. Someone who knows kindness, caring, and a willingness to help others.

-

Napaupo ang isang lalaki dahil sa panghihina ng mga tuhod niya nang makita sa kusina ang dalawang katawan na walang buhay, puno ng dugo ang paligid at gano'n din ang lalaking hindi makapaniwala sa nangyari, nakatingin siya sa dalawang katawan habang umiiyak.

Nakatalikod siya mula sa akin, pero kitang-kita ko ang panginginig ng buong katawan niya at ang ingay ng kanyang paghikbi.

"Wala akong kasalanan." Narinig kong sabi niya, yumuko siya at diniin ang ulo sa mga tuhod.

"Bata!" Napalingon ako sa iba't ibang sulok ng kusina nang makarinig ng boses, nagbabakasali na makita kung sino ang tumatawag.

"Bata!"

Hindi na ako bata.

Natigilan ako sa paghahanap ng mapansin ang pagtahimik ng lalaki sa pag-iyak, tumayo ito kaya napa-atras ako. Pipihit siya paharap sa akin kaya inaasahan ko na makikita ko na ang mukha niya.

"Bata!"

Napabalikwas si Hobin nang marinig ang boses na 'yon, sinigawan siya ng isang security guard sa school malapit sa tenga para tuluyan siyang magising.

"Ayos ka lang ba? Anong ginagawa mo dito sa tambakan ng basura?"

Kinusot ni Hobin ang mata niya at pinagmamasdan ang paligid, nasa school pa din siya at napansin niyang inabot na siya ng gabi.

"Sinong may gawa nito sa'yo? Sabihin mo sa akin para ipaalam ko sa guidance office."

Napatingin siya sa security guard na gumising sa kaniya. Hindi niya ito sinagot at tumayo na lang para makauwi na.

"Bata, hindi mo man lang ba ako sasagutin? Ang hirap mo kayang gisingin, halos alugin ko na pati utak mo magising ka lang," reklamo ng security guard.

Kinamot ni Hobin ang ulo niya at huminga nang malalim. "Hindi ko naman sinabing gisingin mo ako at hindi na ako bata," sagot niya bago ito lagpasan.

"Ano? Kung hindi kita ginising baka pinapak ka na ng mga daga ngayon!" sigaw ng security guard habang naglalakad na siya palayo.

Humikab si Hobin at tumingin sa langit, hindi siya makapaniwalang nakatulog siya nang gano'n katagal katabi ang mga basura. He wonder how painful that guy's blow was.

Nagtungo siya sa isang restaurant para kumain. Knocked out siya sa suntok ni Woojae at dahil doon ay nakatulog siya nang matagal na oras kaya siguradong nagugutom na siya ngayon. Nang maubos niya ang limang mangkok ng Jjajangmyeon ay lumabas na siya at nagtungo sa isang pojangmacha.

( : Pojangmacha is a small tented spot that can be on wheels or a street stall in South Korean that sell a variety of popular street food. )

Umorder pa siya ng chicken feet na balak niya kainin pag-uwi sa bahay. Hindi na siya nag-abala na mag-bus pauwi dahil kaya niya naman lakarin. Nang madaanan niya ang isang convenience store ay napahinto siya sa paglalakad hindi para bumili ulit ng makakain, kung hindi dahil nakita niya si Mijin na nagriring ng mga pinamili ng customer sa loob.

Hinagis ako ni Woojae sa mga sako ng basura kung saan ako na pahiga.

Lumapit siya sa akin at umupo sa harapan ko. "Isipin mo na kung ano gusto mong isipin tungkol kay Mijin, hindi na ako magsasayang ng panahon para ipaliwanag kung anong klaseng tao siya."

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon