Chapter 38: Bloodstained

9 5 0
                                    


Malakas ang tibok ng puso ni Mijin at halos kumawala ito sa kinalalagyan nang makita niya si Minhyuk at Hyeri na nakahiga sa lapag. Nakapalibot ang dugo sa katawan ng dalawa, pero nilaksan niya ang loob niya para lapitan ang mga ito. 

Kinakabahan siyang gumapang palapit para tingnan kung buhay pa ang mga ito, hindi niya kasi magawang tumayo dahil sa panlalambot ng tuhod niya. 

Nanginginig na inabot ni Mijin ang leeg ni Minhyuk para tingnan kung may buhay pa ito at nakahinga siya nang maluwag nang maramdaman na may pulso pa ito.

"S-Seoyeon, Minhyuk is still alive." Kahit paano ay nabawasan ang kaba sa dibdib ni Mijin. Agad naman siyang nagtungo kay Hyeri para tingnan kung may pulso pa ito tulad ni Minhyuk, pero bumagsak ang balikat niya nang maramdamang wala na. Sinubukan niya pa itong muli pero wala talaga siyang maramdaman.

Yumuko siya dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman, nangilid ang mga luha sa mata niya nang malaman na walang buhay si Hyeri.

"Seoyeon, tumawag ka ng ambulansya!" Pinunasan ni Mijin ang mata niya bago lapitan ulit si Minhyuk para siguraduhin na buhay pa talaga ito. "He needs to be taken to the hospital immediately. Marami ng dugo ang nawawala sa kaniya!"

Nilingon niya si Seoyeon dahil hindi ito sumasagot, nagkasalubong ang kilay niya nang makita itong sinisiksik ang sarili sa isang sulok.

"Seoyeon, what are you doing?" nagtatakang tanong ni Mijin. Tumayo siya at nagtungo dito. "Ayos ka lang ba?" Hinawakan niya ito sa kamay dahil sinasabunutan nito ang sarili.

"Mom…" Ito lang ang tanging salitang lumalabas sa bibig ni Seoyeon, para itong nawawala sa sarili dahil kung saan-saan ito tumitingin.

Napahawak sa noo si Mijin dahil hindi niya magawang patinuin si Seoyeon, tumayo na lang siya at kinuha ang phone niya para tumawag ng ambulansya. 

Pagkatapos gawin 'yon ay binalikan niya si Seoyeon at sinubukang pabalikin ito sa katinuan. Hinawakan niya ang kamay nito para pigilan ito sa pagkagat sa sariling daliri.

"Seoyeon, what's happening?" tanong ni Mijin sabay alog sa balikat nito, pero hindi pa din siya nito pinapansin. "Seoyeon!" Sinigawan na niya ito dahil sa pagbabakasakali na bumalik ito sa wisyo.

"Mom- M-Mijin?" Pumikit ng ilang beses si Seoyeon nang makita si Mijin sa harapan niya. Tumataas-baba pa ang dibdib niya dahil sa takot na nararamdaman.

"Anong problema?" nag-aalalang tanong ni Mijin.

"I-I'm just hallucinating, r-right? There is no blood here- n-no dead…" naluluhang sabi ni Seoyeon. Sumusulyap siya ng tingin sa direksyon nila Minhyuk, pero para bang pinipigilan niya na mabaling sa mga ito ang buong atensyon niya.

"Buhay pa si Minhyuk at padating na ang ambulansiya," mahinahong sagot ni Mijin sabay haplos sa buhok ni Seoyeon. Yumakap ito sa kaniya nang mahigpit, ngayon niya lang ito nakitang takot na takot.

Dumating ang ambulansya kasabay ng mga pulis, nanguna si Detective Kang sa loob para siguraduhing walang magagalaw sa crime scene.

Nanatili sila Mijin sa apartment building dahil tumanggi si Seoyeon na sumama sa hospital. Sinakay na si Minhyuk at Hyeri sa ambulansya, magka-iba ang ayos nila dahil si Hyeri ay nakatakip na ang buong katawan.

"Are you guys okay? Did you see anyone else here when you saw them in that situation?" tanong ni Detective Kang kala Mijin na nanatili sa labas ng apartment ni Hyeri. Ang ibang pulis naman ay nag-umpisa nang gawin ang trabaho nila sa loob.

"W-We haven't seen anyone else, I think ilang oras na silang duguan. We were supposed to eat together, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag namin. Pagpunta namin dito, nadatnan na lang namin si Hyeri na walang buhay." Nag-iwas ng tingin si Mijin at pumikit nang madiin.

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon