Chapter 8: Date Auction

54 37 0
                                    


Date Auction - a fundraising event using male students for female students to bid on.

Dumating ang nasabing event, hindi sana pupunta si Hobin pero pinilit siya ni Mijin nang tawagan siya nito. Kung hindi siya pupunta ay siguradong pupuntahan siya nito sa bahay at makikita lang nito ang kalagayan ng lugar nila. Mas lalo itong maaawa sa kaniya.

Kaya ngayon ay magkasama na silang tatlo nila Woojae na nagpunta sa school. Napili din si Woojae sa department nila para sa gaganaping Date Auction. Madaming pakulo ang events, gaya ng mga snack booths, picture booths at kung ano-ano pang palaro.

"Ang gwapo ng mga kaibigan ko, sana walang pumili sa inyo," panunuya ni Mijin kala Hobin at Woojae.

Kaibigan? Ano ba talagang trip ng babaeng 'to?

Inakbayan ni Woojae si Mijin kaya umatras si Hobin palayo sa kanila.

Sinasamahan niya ba ako dahil sa tingin niya wala akong kaibigan? Oo, wala. Wala akong kaibigan, pero hindi ibig sabihin nito ay kailangan ko. Tch.

"Pipiliin mo naman siguro ako, hindi ba?" nakangiting tanong ni Woojae kay Mijin.

"Sawang-sawa na ako sa mukha mo tapos pagaaksayahan pa kita ng pera?" Pabirong pinalo ni Mijin ang braso nito palayo sa kaniya at natatawang kumapit sa braso ni Hobin. Napa-irap ito at tumingin sa ibang direksyon.

"Bakit ka ba ganyan sa akin? Kaibigan mo kaya ako!" nagtatampong sabi ni Woojae, ngumuso pa ito at kulang na lang ay magdabog.

"Kaibigan kita kaya bakit kita idadate? Eh halos araw-araw naman tayo sabay kumain at umuwi galing school." Inirapan siya ni Mijin bago hilahin si Hobin papunta sa isang booth. Bumili siya ng pagkain nilang dalawa habang si Woojae ay napalabas ng sariling pera dahil ayaw ilibre ni Mijin.

Various activities such as games, have begun. Hindi nila inaasahan na magsisimula na din ang Date Auction. Nagsalita na ang isang lalaki sa isang maliit na stage kaya lahat ng mga estudyante ay nagtititiling tumakbo mula sa harap ng stage na 'yon.

"Tara na, mukhang kailangan na nila tayo." Tinapik ni Woojae sa balikat si Hobin kaya naglakad na silang dalawa papunta doon, pero napahinto din nang maramdamang hindi nila kasunod si Mijin.

"Ano pang hinihintay mo diyan, Ijin? Tara na!" Hinila pa siya ni Woojae gamit ang kamay para sumama.

"For this event, kung sino ang pinakamataas na bidder siya ang magkakaroon ng pagkakataon na makadate ang freshman guy na magustuhan nila." Panimula ng emcee. "5 hours lang at bawal sa gabi," dagdag pa nito dahilan para magsigawan ang mga babaeng students.

"Introducing the first one on the list…Kang Dong Won from Clothing Design Department." Pagpapakilala ng emcee sa unang student. "Look! He has a very good fashion sense!" A brown-haired man climbed the small stage dahilan para magsimulang kiligin ang mga babae.

"Wow, he's cute! 100 won!"

"250!"

"500 won!"

Sigaw ng mga babaeng nagpapataasan ng bid para makuha ang lalaking nakatayo ngayon sa maliit na stage. Mapa-freshman o sophomore ay kasali.

"Okay, sold for 500 won," sabi ng emcee. Nakuha ng isang babae si Dong Won sa halagang 500 won.

"Okay, next is Joon Han from Medical Department!" Sunod na tinawag si Joon, naka-cap siyang umakyat ng entablado. Natahimik ang lahat at mukhang walang balak na mag-bid sa kaniya.

Bumalik kasi si Seoyeon sa room nila Hobin dahil kulang pa daw ang mga nakasali kaya walang nagawa si Joon kung hindi idamay ang pangalan niya sa event na 'to.

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon