Chapter 37: No. 236

13 5 0
                                    


Hindi maalis sa isip ni Mijin ang nangyari sa rooftop kahit pilit nyang ituon ang atensyon niya sa ibang bagay. Hindi niya kasi mahanap ang dahilan kung bakit siya hinalikan ni Hobin, hindi niya din naman kasi tinanong kung bakit.

Habang wala sa sarili ay hinawakan niya ang labi niya at inisip ang mukha nito, halos paluin niya ang kanyang ulo nang bumalik siya sa wisyo.

[ Unidentified man was caught on surveillance footage after hitting a man in the head with a bottle... ]

"Dumadami na ang mga masasamang tao sa lugar natin," sabi ni Mirae habang nakikinig ng balita sa radyo, nasa kusina silang dalawa ni Mijin at naghahanda ng kakainin para sa agahan. 

Lumilipad ang isip ni Mijin kaya hindi siya nakikinig sa balita. Iniisip niya kung may gusto si Hobin sa kanya at kung gusto niya ba ito, pero hindi naman niya maitatanggi na may nararamdaman siya para dito. 

Madalas siyang mag-alala dahil may pakialam siya kay Hobin at mahal niya ito bilang kaibigan tulad ng pagmamahal niya kay Woojae, kaya naman hindi niya maalis sa isip niya ang nangyari at kung bakit niya hinayaan na mahalikan siya kung talagang kaibigan lang ang turing niya dito.

"Kaya ikaw, Ijin" 

Natigil si Mijin sa pag-iisip kay Hobin at nilingon ang Ina, hindi pa siya makatingin dito nang maayos dahil sa kaba.

"lagi kang mag-iingat sa daan. Mataas na ang crime rate sa lugar natin dahil sa mga matitigas na ulo na mga kabataan."

"O-Opo." Tumango si Mijin at naglagay ng mga kubyertos sa lamesa. 

"Anong oras ka na nga pala nakatulog kagabi?" tanong ni Mirae habang nilalapag nito ang pagkain sa mesa.

"P-Po?" Napatingin nang diretso si Mijin sa Ina dahil sa tanong nito.

"Hating gabi na kasi pero nandoon pa kayo sa rooftop ni Hobin, baka kasi kung anong oras na kayo nagpahinga kaya hanggang ngayon tulog pa siya." 

Sa hindi alam na dahilan ay mas naging kabado si Mijin, pakiramdam niya kasi ay may alam ito at sobrang napaparanoid siya kapag naiisip 'yon.

"Uhm napasarap po ang kwentuhan namin," naiilang nyang sagot, pinilit niya pa na ngumiti para hindi ito magtaka.

Nakarinig sila ng yapak ng tsinelas mula sa hagdan kaya napatingin silang dalawa kay Hobin na kakababa lang mula sa kwarto nito. 

"Oh, Hobin. Tama lang ang gising mo, kumain na tayo," sabi ni Mirae habang nakangiti.

Mas lalong kinabahan si Mijin nang tumama ang tingin ni Hobin sa kaniya. "Good morning, Ijin." Hindi niya alam kung bakit biglang umikot ang mata niya at hindi pinansin ang bati nito ngayong umaga. 

"Good morning, Ma." Ngumiti si Mijin sa Ina bago magsandok ng kanin.

"G-Good morning, Mrs. Lee," bati din ni Hobin pero mukhang hindi natuwa si Mijin sa ginawa niya.

"Ang ganda naman ng gising niyo," masayang sabi ni Mirae, "ngayon mo lang ako binati ng ganyan, Hobin. Sana ay lagi kang good mood."

Tumango si Hobin at tinignan si Mijin na umupo sa upuan na nasa harap niya, pero hindi man lang ito nagbalik ng kahit isang sulyap sa kaniya.

Why am I feeling uneasy? I was able to look at him in the eyes last night, I was even thinking about him earlier so why am I nervous right now that he is in front of me?

Hindi mapakali si Mijin kaya naman pati ang legs niya ay hindi niya maiwasang igalaw.

"Kumain ka na Hobin, I can't eat well because you're staring at me," reklamo ni Mijin, sinubo niya ang kutsarang hawak habang nanginginig ang kamay.

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon