Chapter 35: Cruel

14 5 0
                                    


Naglalakad papasok si Woojae sa bahay nila nang sinalubong siya ng kanilang kasambahay, maaga kasi siyang umuwi galing kala Mijin dahil nagtext sa kaniya ang dad niya na magdidinner sila ngayon.

"Naghihintay na po si Sir Min sa dining area," sabi ng matandang kasambahay.

Tumango naman siya at kahit labag sa kalooban ay tinahak niya ang daan patungong dining area. Hindi kasi siya sanay na magkasama silang kumakain ng dad niya at ito ang pinakaunang dinner na gagawin nila pagkatapos ng maraming taon na hindi nila 'yon ginawa.

"Oh? I would have called you, I thought you weren't coming," sabi ng dad niya bago ito tumayo at sumaludo sa kaniya.

Woojae did the same, nakikipagsaludohan siya sa dad niya kapag nakikita ito dahil isa itong pulis at may mataas itong katungkulan. Minsan ay ito pa ang unang gumagawa no'n dahil nakakalimutan niya.

Saktong may hinahain na sa hapag kaya umupo na lang din si Woojae para kumain. Kala Mijin sana siya maghahapunan pero hindi niya magawang tumanggi sa kanyang ama.

"Aren't you busy?" naiilang na tanong ni Woojae.

"Yes, that's why I had time to eat with you," sagot ni Chief Min habang nakangiti.

Tumango si Woojae at nagsimula nang kumain.

"Hmm, how's school?" tanong ni Chief Min sa kalagitnaan ng pagkain nila, natigilan naman sa pag-inom si Woojae para sumagot.

"It's okay, napapanatili ko pa din ang kaayusan sa school," sagot ni Woojae.

"That's why it's appropriate for you to be a police officer," nakangiting sinabi ni Chief Min.

Napilitang ngumiti ni Woojae. "I haven't thought about that yet, I want to pursue boxing," naiilang nyang sagot.

"You're still young, marami pang magbabago," sabi naman ni Chief Min, kaya tumango na lang si Woojae at nagpatuloy sa pagkain.

"Kumusta naman ang mga kaibigan mo?"

"Huh? Uh okay naman po si Mijin."

"Eh si Hobin?"

Natigil sa pagnguya si Woojae dahil sa naging tanong nito.

"Hobin? How did you know him?" nagtatakang tanong ni Woojae.

"How could I not recognize him? Lagi kong naririnig ang pangalan niya sa police station," sagot ni Chief Min. "At may nakapagsabi na nagkakasama kayo." Ang kaninang maaliwalas nitong mukha ay napalitan ng seryosong mga tingin.

Sandaling natulala si Woojae dahil hindi niya malaman kung bakit biglang nagbago ang atmosphere sa kanilang dalawa. "Yeah, nagkakasama nga kami. He was a friend of Mijin, that's why he became my friend too."

"What do you often talk about?" tanong ni Chief Min habang nakataas ang kilay.

Napangisi si Woojae at binitawan ang kubyertos na hawak.

"We don't talk often," sagot ni Woojae bago tumayo. "I'm done." Iniwan niya ang pagkain niya kahit na nakatatlong subo pa lang siya. Hinayaan niya na ang dad niya mag-isa sa dining area dahil hindi siya kumportable sa pinag-uusapan nila.

-

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Hyeri nang pagbuksan siya ng pinto ni Minhyuk, nagpunta siya sa apartment nito dahil sa takot na may ginawa na dito ang ex-boyfriend niyang si Joon.

"Ayos lang ako," sagot naman ni Minhyuk bago ilahad ang kamay sa loob ng apartment niya, pumasok si Hyeri sa loob kaya sinara na niya ang pinto.

"Hindi ka ba niya ginugulo?" tanong ni Hyeri habang nilalapag sa mesa ang mga pinamili nyang pagkain.

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon