Chapter 31: Patsy

8 5 0
                                    


Patsy - a person who is easily taken advantage of, especially by blamed for something.

Nagising si Haesoo nang may tumapik sa braso niya, bumangon siya mula sa pagkakayuko sa lamesa at tinignan ang ama na nakatayo sa kanyang harapan. Napansin nyang basa ang braso at mukha niya kaya pinunasan niya 'yon.

"Kanina ka pa ba dito? Kung gusto mo magpahinga, sa kwarto ka matulog," sabi ni Yong sa kaniya.

Huminga siya nang malalim at tumingin sa bawat sulok ng bahay nila na tila ba may hinahanap. "Tulog pa din po ba si Kuya Haesuk?" wala sa sarili nyang tanong. 

Kumunot ang noo ni Yong dahil sa naging tanong nito. "Noong isang araw pa tulog si Haesuk," sagot nito bago umiwas ng tingin. "Mukhang pagod ka, magpahinga ka na sa kwarto mo."

Napahawak sa ulo si Haesoo at inalala ang mga nangyari. "I talked to him." Pumikit siya nang madiin at kinagat ang ibabang labi. "Panaginip lang ba ang lahat ng nangyari?" tanong niya sa sarili. Bumilis ang tibok ng puso niya at namuo na naman ang luha sa gilid ng kanyang mga mata, sumakit din ang ilong at lalamunan niya dahil sa pagpigil ng kanyang pag-iyak.

Hindi siya makapaniwala na panaginip lang ang lahat ng 'yon, para kasing totoo ang lahat. Nahahawakan niya at nakaka-usap si Haesuk, buhay na buhay ito sa tabi niya noong mga oras na 'yon kaya naman sobrang hindi niya matanggap na hindi totoo lahat ng nangyari.

"Hindi maganda sa kalusugan mo ang magpuyat, ayusin mo ang sarili mo." Maglalakad na sana si Yong papunta sa kwarto para magpahinga, ngunit natigil siya sa paghakbang nang tumayo si Haesoo at nagtungo sa kwarto ni Haesuk. 

Sinundan niya naman ito dahil mukha itong nagmamadali.

Nakita nyang binuksan ni Haesoo ang bawat cabinet sa kwarto ni Haesuk at hinanap ang notebook na pinagsulatan nito sa panaginip niya. Nang makita ito ay agad siyang umupo sa kama at binuklat 'yon.

"Tungkol saan naman 'yan?" tanong ni Yong habang pinagmamasdan ang anak niya na sunod-sunod tumulo ang mga luha nang makita ang nilalaman ng notebook. "Ano na namang kalokohan 'to?"

Hindi mapigilang maluha ni Haesoo nang mabasa ang mistulang diary ni Haesuk, nakasulat dito ang ilang mga masasayang nangyari sa kaniya at pati na din ang mga malulungkot na bagay na para sa kaniya ay may aral na dala.

Lahat ng pagkakamali na nagawa mo ay pwede mong gawing aral sa buhay mo para hindi mo na ito maulit.

"Kailan mo siya balak bisitahin? May balak ka po ba?" galit na tanong ni Haesoo. Hindi siya nakatingin kay Yong, umiiyak lang siya habang binabasa ang mga nakasulat sa notebook.

"Magsasayang lang ako ng panahon-"

"Sinabi po sa akin ni Kuya Haesuk!" Natigilan si Yong dahil sa pagsigaw ni Haesoo, binaba nito ang notebook para tignan siya. "You've been crying since he left us, tuwing gabi humihingi ka po ng tawad! Kailan mo po siya balak puntahan?! Magmamatigas ka pa rin po ba?!" tanong nito, hindi niya maiwasang ipakitang galit siya dahil sa nangyari.

"Haesoo, h'wag mo akong sigawan," mahinahong sagot ni Yong.

"Naiinis po ako! Maawa ka naman kahit konti, wala na si Kuya! You are one of the reasons why he chose to take his own life pero ang tigas pa din po ng puso mo!" Napahawak sa dibdib si Haesoo dahil sa sakit na nararamdaman.

"Hanggang sa mga huling sulat niya pinaparating pa din niya kung gaano niya tayo kamahal! Please, maawa ka po." Tiniklop ni Haesoo ang notebook at niyakap ito nang mahigpit.

Nag-iwas naman ng tingin si Yong dahil hindi na niya kinayang makita ang anak na umiiyak ng sobra.

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon