Chapter 11: Suspicion

43 31 0
                                    


Suspicion - a feeling or thought that something is possible, likely, or true.

Nagmamaneho ng motor sa isang madilim na daan si Woojae habang angkas niya sa kanyang likuran si Mijin, mga damo ang makikita sa gilid ng kalsada at sa dulo ng mga ito ay may mga bahay na nakatayo.

"Bakit ba kailangan pa natin siya puntahan?" tanong ni Woojae habang nakatingin sa daang tinatahak nila patungo sa bahay nila Hobin, wala silang ibang bahay na nadadaanan bukod sa malaking bahay na natatanaw nila sa malayo.

"I found out from Minho that he told Joon na si Hobin ang may gawa ng pagkabagok ng ulo nito," sagot ni Mijin habang pinagmamasdan ang madilim na paligid.

"Ano?" Biglang hininto ni Woojae ang motor kaya napayakap sa kaniya ng mahigpit si Mijin. "Tapos pupuntahan natin ang psycho na 'yon? He's dangerous, how did he do that?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Huwag ka ngang oa, I know Hobin just defended himself," sagot ni Mijin.

"How do you say that? You don't know him very well. Sana ay ako na lang ang pinapunta mo dito, ayaw kong mapahamak ka."

"Magmaneho ka na lang, malapit na tayo." Tinapik niya sa balikat si Woojae, wala itong nagawa kung hindi ang sumunod sa utos niya hanggang sa marating na nila ang bahay nila Hobin.

Tinanggal nila ang helmet nila at bumaba sa motor, pinagmasdan nila ang malaking bahay and it looks like no one is here dahil walang ilaw, hindi nakalock ang gate pero nakakandado ang pinaka-pinto ng bahay.

"Dito siya nakatira? Why does it seem haunted? You know I'm really nervous about that one," sabi ni Woojae habang pinagmamasdan ang bahay na may kahoy sa harap ng pintuan dahilan para walang makapasok.

Hinarap siya ni Mijin kaya tinignan niya din ito. "Hindi 'to ganito dati. Sandali, I will call him." Nilabas ni Mijin ang cellphone niya at tinawagan ang number ni Hobin.

"Nacocontact mo pala si Hobin bakit kailangan pa natin siyang puntahan?" inis na tanong ni Woojae habang pinagmamasdan si Mijin na naghihintay sagutin ni Hobin ang tawag.

"Teka may number ka niya? Kailan pa kayo nagtetext? Tinatawagan ka ba niya tuwing gabi? Lagi ba kayong nagsasabi ng good night bago matulog? H'wag mo sabihin nagvivideo call kayo-"

"Woojae!"

Natigil siya sa pagtatanong at piniling manahimik na lang. Hindi sumasagot si Hobin kaya susubukan sana ulit itong tawagan ni Mijin ngunit may ibang number na tumawag sa kaniya.

"Hello, sino po ito?" tanong ni Mijin, lumapit naman si Woojae sa kaniya para makinig.

"Ms. Lee?"

Natahimik si Mijin nang binanggit ng familiar na boses ang apelyido niya. "Teacher Han, ako po 'to si Mijin. Bakit po kayo napatawag?" Nagkatinginan silang dalawa ni Woojae dahil sa pagtataka.

"Mijin, something happened to Hobin, but I couldn't contact his relatives. You're the only one in his contacts, you're close to each other so I'd call you speculating that you might know his guardian," sagot ng homeroom teacher nila.

"What happened to him?" nag-aalala niyang tanong.

"Can you come here? Hobin will be taken to the emergency room, I need to talk to you," sagot ni Mr. Han bago i-end ang call. Nagpop-up naman ang isang text sa cellphone ni Mijin kung saan nakalagay ang address ng hospital kung nasaan dinala si Hobin.

When they arrived at the hospital, they immediately saw Hobin being dragged by the hospital staff. Agad na lumapit si Mijin papunta kay Hobin na halos hindi na makilala dahil sa dami ng dugo sa mukha. Nadidilat pa ang mata niya, ngunit kung saan-saan ito tumitingin.

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon