Chapter 43: What did you do?

11 5 0
                                    


"Where are you going?" tanong ni Hyunjae nang makita niyang pababa sa hagdan nila ang babae niyang kapatid. Naka-ayos ito at mukhang may pupuntahan.

"I'm going to meet my friends. I already told Dad, so don't try to stop me." Ngumuso si Chaehyun at nilagpasan ang kuya niya.

"Ihahatid na kita-" Natigilan si Hyunjae nang padabog na humarap sa kaniya si Chaehyun.

"I can went out alone and besides we have a driver. Don't worry, Kuya. I'll go home early." Ngumiti si Chaehyun at niyakap siya. "My Kuya is very protective. I can't blame you, you just want to protect your pretty sister."

Tinanggal ni Hyunjae ang dalawang kamay nito na nakapatong sa balikat niya. "You should be home by six o'clock."

"Ten," nakangiting sagot ni Chaehyun. Naglakad na siya palabas ng bahay kaya sinundan siya ni Hyunjae.

"Six."

"Nine." Hindi mawala sa labi niya ang ngiti habang nakikipagmatigasan ng ulo sa kuya niya. Pagkapasok niya sa kotse ay isasara na niya sana ang pinto, pero pinigilan 'yon ni Hyunjae.

"Six pm sharp, Chaehyun."

"Eight?"

"Six."
"Seven? Seven! Baka masabihan akong killjoy ng mga kaibigan ko kung maaga akong uuwi. Please!" Pinagdikit ni Chaehyun ang dalawa niyang palad at nagpuppy eyes.

"Just make sure you go home at that time." Tinanggal na ni Hyunjae ang kamay sa pinto kaya tuluyan na itong naisara.

Binaba ni Chaehyun ang bintana para makita nang maayos ang kuya niya. "Bye!" paalam niya dito gamit ang matatamis na ngiti. "Let's meet at ten!" natatawa niyang sinabi bago itaas muli ang bintana kasabay nang pag-alis ng kotse.

Napa-iling na lang si Hyunjae habang pinagmamasdan itong paalis.

Pagbalik sa loob ng bahay ay nagtungo siya sa kusina para kumuha ng makakain.

[ A woman was found lifeless in an alley today, people who saw the body suspect it was dead several hours before it was found… ]

Natigil sa paglagay ng gatas si Hyunjae sa isang baso nang marinig ang balita sa radyo.

[ There are a lot of womens who have also been reported missing, some of whom have been found dead while others are still currently being sought. Until now, the police have not been able to figure out the motive for these disappearances and killings. ]

"Noong isang linggo pa nagaganap ang krimen na 'yan, pero hanggang ngayon hindi pa din alam kung sino ang gumagawa," sabi ng babaeng katulong sa bahay nang mapansin na mukhang curious si Hyunjae sa narinig. "Serial killer ang nasa likod nito dahil puro babae ang biktima niya, lahat pa ng mga ito ay dalaga at magaganda."

"Did Chaehyun say where she was going?" tanong ni Hyunjae na hindi na naipagpatuloy ang pagpapalaman ng tinapay niya.

"Ang sabi niya lang ay sa kaibigan niya, hindi naman ako nagkulang sa pagpapaalala sa kaniya na mag-ingat sa daan," sagot nito habang naglilinis ng kusina.

Tumango si Hyunjae at pinagpatuloy ang ginagawa, nang matapos siya ay nagtungo na siya sa kanyang kwarto. Sinubukan niyang tawagan ang kapatid niya kahit na maliwanag pa naman at hindi pa ito masyadong nagtatagal sa labas. Gusto niya lang makasigurado kung saan ito nagpunta.

Hindi ito sumagot pero tinadtad niya ito ng text. Ilang oras siyang naghintay sa reply nito kahit na may ginagawa din siya, pero hanggang sumapit ang 6 at 7 o'clock ay wala pa din siyang naririnig o natatanggap mula dito.

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon