Chapter 7: Hallucinogenic Drug

27 11 2
                                    


Hallucinogens - are drugs that work on the brain to affect the senses and cause hallucinations

The presentation for their research was ended. Nagawa naman nang maayos ni Hobin ang part niya sa presentation nila ni Mijin kahit wala naman siyang alam sa nilalaman nito.

Tinapos ng isang event ang ilang linggong pagpapagod ng mga students. Modu High School launched Date Auction: All the money raised the events will be donated to a charity. Ito ang naisip ng ilang estudyante at mga teacher para siguradong ma-excite ang mga students at hindi mabored.

"Good morning, we are the students council. Nandito kami para pumili ng isang lalaki para sa gaganaping Date Auction. Meron ng mga napili sa ibang department, any volunteer?" tanong ni Seoyeon na nagtaas ng kamay habang nililibot ang mata sa room na kinabibilangan nila Hobin.

Good mood siguro siya ngayon dahil nagagawa na niyang ngumiti, noong huling kita kasi nila ni Hobin ay para bang pinagsakluban siya ng langit at lupa.

Nakahalukipkip naman si Woojae sa pintuan ng classroom habang hinihintay matapos ang announcement ng kasama niya. Magkasalubong ang kilay ni Hobin habang pinagmamasdan itong nilalabas ang dila dahil iniinis si Mijin.

Naiinis naman niyang nilingon si Mijin na nasa tabi niya, nakangiti ito habang may sinisenyas kay Woojae. Matigas talaga ang ulo ng isang 'to dahil kahit anong gawin niyang pagtataboy ay hindi pa din siya nito nilalayuan.

"I nominate, Joon Han!" Natahimik ang buong kaklase nang marinig ang pangalan na 'yon. Binatukan tuloy ni Joon si Haesuk nang isigaw nito ang pangalan niya.

"Sure ba kayo?" inis na tanong ni Seoyeon, biglang nagbago ang mood niya. Nakataas na ang kilay niya at mukha siyang 'yung tipo ng tao na hindi talaga madaling pakisamahan.

Hindi tumayo si Joon dahil ayaw niya, wala din naman naging reaksyon ang mga kaklase niya dahil natatakot sila sa kaniya.

"I nominate, Kim Hobin!" Napatingin silang lahat kay Sooji nang isigaw nito ang pangalan ng kaklase nilang nananahimik sa gilis, kahit si Mijin na nananahimik din sa tabi ni Hobin ay napalingon dito.

"Who's Kim Hobin?" tanong ni Seoyeon habang nililibot ang mapupungay na mata sa mga students.

Hindi naman malaman ni Hobin kung tatayo ba siya o babaliwalain na lang sila, kaso nagtinginan ang lahat sa kaniya kaya wala siyang nagawa kundi ang tumayo ng tuluyan.

Tumaas muli ang kilay ni Seoyeon nang makita ito. "Hmm."

Inaasahan ni Hobin na may sasabihin itong hindi maganda dahil sa naging sagutan nila noong isang araw, pero tumango lang ito na para bang na-satisfied ito nang makita siya.

"Magaling kang pumili. Siguradong maglalabas ka ng malaking pera para sa lalaking 'to," sabi ni Seoyeon habang nakanguso.

"Uubusin ko ang allowance na bigay ni Dad sa akin," pabirong sabi ni Sooji.

"Bawal ang killjoy. Kung sino ang highest bidder, magkakaroon ng pagkakataon na makadate si Mr. Kim," sabi ni Seoyeon sabay tingin kay Hobin gamit ang matataray niyang kilay at matalim na mga mata.

Ayaw sanang sumali ni Hobin hindi na niya magawang tumanggi lalo na't ganyan ang tingin ni Seoyeon sa kaniya. Umiwas na lang siya at umupo na ulit sa upuan. Hindi niya alam ang mararamdaman, hindi niya alam kung matutuwa ba siya or maiinsulto kapag mayroong pumili sa kaniya sa mismong event.

"Ang pera na malilikom ay mapupunta sa isang charity, kaya sana'y mag-enjoy lang tayo sa araw na 'yon at sana lahat kayo ay pumunta. That's all, thank you." Yumuko si Seoyeon bago lumabas ng classroom kasama si Woojae. Nagsimula naman ang daldalan ng mga student about sa mangyayaring event sa school.

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon