Chapter 42: Aeri

11 5 0
                                    


Inirapan ni Mijin si Hobin bago pagmasdan ang sarili sa tapat ng salamin. Ilang minuto niyang tinitigan ang sarili habang si Hobin ay hindi pa din makapaniwala sa nangyari. Hindi naman 'yon ang una nilang halik, pero para bang nakakapanibago ito.

Ngumiti si Mijin bago inayos ang pagkaka-upo sa kama. Nakadekwatro na siya ngayon, nakahalukipkip, at iba na ang expression ng mukha. "Bakit nga ba hindi ka umiwas?" Nilingon niya si Hobin at tinaasan ito ng kilay. Hindi ito sumagot kaya nawala ang ngiti sa kanyang labi. "Pare-parehas lang kayong mga lalaki. Tsk, tsk."

Nag-iwas ng tingin si Hobin. Hindi niya maintindihan, pero para bang ibang tao ang kausap niya ngayon. "Nabigla ako," sagot niya sabay kagat sa ibaba nyang labi.

Gumuhit muli ang ngiti sa labi ni Mijin bago siya dahan-dahan na lumapit kay Hobin. Nabaling muli sa kaniya ang atensyon nito at halos mahiga na ito sa kama sa sobrang lapit niya. "Its okay," bulong niya sabay haplos sa pisngi nito.

Napalunok si Hobin dahil mas lalong nilapit ni Mijin ang sarili at halos magkahalikan na sila. Palipat-lipat ang tingin niya sa mata at labi nito, dahil hindi niya alam kung saan siya titingin.

"Sorry kung hinalikan kita." Nilagay ni Mijin ang isang kamay sa dibdib ni Hobin kaya napatingin ito doon. "Akala ko nga hindi ako aabot sa labi mo, pero mukhang gusto din niya na gawin ko 'yon."

Bumagsak ang isang siko ni Hobin nang mas lumapit si Mijin sa kaniya. Lumapat sa pisngi niya ang dila nito kaya naman napapikit siya nang madiin. Halos magtayuan ang kanyang mga balahibo sa katawan at hindi lang 'yon ang siguradong tumayo.

"Alis," bulong ni Mijin.

Dumilat si Hobin para pagmasdan siya. May part sa kaniya na ayaw niyang umalis, pero nang makita ang kakaibang tingin nito ay para bang kailangan na niya talagang lumayo.

"Labas na, hangga't napipigilan ko pa ang sarili ko." Lumayo sa kaniya si Mijin at umayos na nang upo.

Nakahinga naman nang maluwag si Hobin at hindi na nagdalawang isip lumabas ng kwarto. Hindi niya man lang pinunasan ang laway nito na nasa pisngi niya, nagtungo lang siya sa sariling silid at nagmadaling magpunta ng banyo.

Mabilis ang paghakbang ni Siwoo papunta sa isang kwarto, kasunod niya si Joon na pinagmamasdan ang mga papel niyang dala. Nang makapasok sa kwarto ni Seoyeon ay agad niya itong binato sa ulo ng mga hawak na test paper. "Anong gagawin ko sa mga basura na 'yan!?" galit nyang tanong.

Umayos ng upo si Seoyeon galing sa pagkakayuko sa study table, nagsusulat kasi siya sa isang notebook nang dumating ito.

"Anong ginagawa mo sa buhay mo!?" tanong pa ni Siwoo na halos pumutok na ang ugat sa noo, sobrang inis kasi ang nararamdaman niya lalo na nang makita kung ano ang pinagkakaabalahan ni Seoyeon. Kinuha niya ang notebook na pinagsusulatan nito kaya napatingin ito sa kaniya. "Pinaglololoko mo ba ang sarili mo? Ano 'to!?"

Bumaba ang tingin ni Seoyeon sa notebook niya, tumaas lang ang kilay niya nang makita ang nakalagay do'n. "I don't know." Umiling siya at tumayo na sa table para magpunta ng kama.

Binato sa lapag ni Siwoo ang notebook para hawakan ang braso niya. Tumagilid naman ang ulo ni Joon para tignan ang nakalagay sa notebook at nakitang wala naman kabuluhan ang nandoon. Bilog lang 'yon na paulit-ulit ginuhit kaya nagmukhang magulo.

"Anong problema mo, Seoyeon!? Have you gone mad!?" Inalog ni Siwoo ang balikat ni Seoyeon kaya napatingin ito sa kaniya. "All your grades have dropped, what's your problem?"

Huminga nang malalim si Seoyeon at tumingin sa mga mata niya. "You," sagot niya dahilan para magkasalubong ang kilay ng kanyang ama.

"What did you say?" tanong ni Siwoo. Nanliit pa ang mata niya, nagbabakasali na nagkamali lang siya ng dinig.

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon