Chapter 10: Vengeance

60 33 4
                                    


Vengeance - punishment inflicted in retaliation for an injury or offense.

"Hindi pa ba tayo papasok? Baka mahuli na naman kayo," sabi ni Hyeri na nakatakip ang ilong dahil ayaw niyang maamoy ang usok ng sigarilyo na nilalabas ng mga kaibigan niya. Nasa likod sila ng school at 30 minutes na silang late sa unang subject nila.

"If only I could stop going to school, I would have done it a long time ago," iritadong sagot ni Joon habang bumubuga ng usok ng sigarilyo, nakahawak siya sa baywang ni Hyeri kaya kahit gusto nito na lumayo sa kanila ay hindi niya magawa.

Tahimik naman na naglalaro ng game sa cellphone si Minhyuk at Shin habang naninigarilyo din, pati si Jihyuk na panay pindot sa keyboard dahil sa dami niyang kachat na babae.

"May exam ngayon, kung hindi pa tayo papasok wala na tayong aabutan," sabi ni Haesuk habang winawagayway ang kamay sa hangin para itaboy ang usok na napupunta sa kaniya.

"Dahil special tayo, maglaan sila ng oras para sa sasagutan nating exam." Binugahan ni Yoo si Haesuk ng usok sa mukha kaya naman umubo ito ng sobra na para bang naabot ng usok ang baga niya.

"Because you guys are special…" Natigilan silang lahat ng marinig ang boses ni Seoyeon, lahat sila ay dumiretso ng tayo, pinatay ang sindi ng mga sigarilyo, at tinago ang mga hawak na cellphone.

"Defeat na tayo re," bulong ni Shin kay Minhyuk.

"…y'all will take an exam on the soccer field," dagdag ni Seoyeon nang makarating siya sa harap ng mga ito.

"Sa field? Mainit doon ah," reklamo ni Hyeri kaya sinamaan siya ng tingin ni Seoyeon.

"Natiis mo nga langhapin ang usok dito, h'wag ka mag-alala dahil mag-uusok ka din sa field sa sobrang init," mataray na sagot ni Seoyeon.

"Dapat talaga nagcutting na lang tayo," bulong ni Yoo kay Joon. Nilingon siya ni Seoyeon kaya nag-iwas siya agad ng tingin.

"Oo, para kapag nahuli ko kayo cut 'yang dila mo sa akin," seryosong sagot ni Seoyeon, "Sumunod kayo," utos niya bago sila unahan sa paglalakad patungo sa loob ng school. Sumunod naman sila Joon habang bitbit ang mga bag nila.

"Bakit lahat na lang naririnig niya? Nakikita niya din kung nasaan tayo, ganyan ba kapag anak ng congressman-" Natigil sa pagsasalita si Yoo dahil tumigil sa paglalakad si Seoyeon at nilingon siya.

"Marinig pa kitang bumubulong hanggang uwian kita papatayuin sa field." Inirapan siya ni Seoyeon at nagsimula na ulit maglakad papunta sa soccer field ng school.

Pagkarating nila doon ay pinipwesto na sa gitna ng field ang pitong upuan na gagamitin nila para magsagot sa exam, tirik na tirik ang sikat ng araw kaya naman pinayungan pa ng isang member ng student council si Seoyeon.

"Pwede bang kami na lang mga lalaki ang mag-exam dito?" Napatingin silang lahat kay Minhyuk na nagsalita.

"Uh…oo nga" sabat ni Haesuk, "papasukin niyo na si Hyeri tutal hindi naman talaga niya gustong magpalate kami."

Napatingin si Hyeri kay Minhyuk na agad nag-iwas ng tingin.

"Bakit? Ano bang pinapahid niyan sa katawan niya at takot na takot maarawan?" tanong ni Seoyeon habang nakataas ang kilay. Natahimik sila at hindi na binalak magsalita.

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon