Chapter 2: Stoic

87 45 2
                                    


Stoic is someone who doesn't seek sympathy.

Maagang nagising kinabukasan si Hobin dahil sa biglaang pagpunta ng homeroom teacher niya na si Mr. Han. Hindi siya maayos na nakatulog kagabi, ni hindi nga siya sigurado kung nakatulog ba talaga siya. Pinilit niyang bumangon para pagbuksan ito ng gate dahil walang tigil nitong pinipindot ang doorbell nila.

"Condolence, I know it’s hard to lose a parents," sabi ni Mr. Han nang makapasok sa loob ng bahay nila Hobin, nasa likod niya ang binata habang pinagmamasdan niya ang malaking salang bumungad sa kaniya.

"What are you doing here?" tanong ni Hobin dahilan para mapalingon ang guro sa kaniya, kumunot ang noo niya dahil mukhang nagulat ito at hindi niya alam kung bakit.

Napalunok si Mr. Han bago hinarap si Hobin. "A-Are you mad, Mr. Kim?" nauutal niyang tanong.

Umiwas ng tingin si Hobin at umiling. "No." Pagkalipas ng ilang minuto ay tinignan niya muli ang kanyang guro, ngumiti ito at kinamot ang likod ng ulo.

"I really have to get used to it, need ko ata i-take down note that you don’t smile and you always look angry," natatawang sinabi ni Mr. Han.

Hindi na siya pinansin ni Hobin at naglakad na lang patungo sa sofa para umupo, sumunod naman si Mr. Han sa kaniya pero nanatili ito nakatayo sa isang gilid.

"Did you come here to be my guard? I'm alone, but I don't need someone to watch over me," sabi ni Hobin habang nakatingala para tignan ang guro niyang nasa tabi niya.

"Ha? Hahaha!" Tumatawa si Mr. Han na nagtungo sa isang upuan para maupo. "It's not good when you just sit in another person's house without their consent, forgive me," sagot niya habang nilalapag sa tabi niya ang bag na dala.

"Wala akong pakialam kung anong gawin mo dito, Mr. Han. Feel at home," sabi ni Hobin sa malamig na tono. Ngumiti naman si Mr. Han at tumango. "No one can bother you here, they are gone," dagdag niya pa kaya naglaho ang ngiti sa labi nito.

"Hobin..." Napa-irap si Hobin sa kawalan dahil sa inis nang marinig ang pag-aalala sa boses ni Mr. Han. "Nais makiramay ng department natin, that's why I'm here to ask where will your parents be buried?" maingat nitong tanong.

Department namin? Ibig sabihin lahat ng kaklase ko? Hibang ba siya?

"By the time the police have finished their investigation, I will have my parents cremated. No funeral will happen," diretsong sagot ni Hobin sa kaniya.

"Bakit naman? Ayaw mo bang makita nang matagal ang mga mukha nila?"

"Gastos lang 'yon and I don't have enough money, besides that wala din namang magpupunta dahil matagal na kaming walang connection sa mga kamag-anak namin. It's not worth it."

Tumango si Mr. Han at kinagat ang ibabang labi, nasa mid 30's na siya pero kung umasta siya ay para siyang Kpop idol na laging nagpapa-cute sa harap ng camera. Madami ang mga students na may gusto sa kaniya dahil maganda siyang lalaki.

"Paano ka na niyan mabubuhay? No one will support you with your needs." Kita sa mga mata ni Mr. Han ang pag-aalala bilang pangalawang tumatayong magulang para kay Hobin dahil guro siya nito.

I get annoyed when someone takes pity on me, but because he is my teacher I have to remain calm.

"I can live on my own," walang ganang sagot ni Hobin.

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon