Chapter 21: Holdup

42 15 0
                                    


Pagkatapos ng klase ay naglaro sila Joon ng soccer sa malawak na field ng school bago umuwi. Naka-upo si Hyeri sa bleacher seats at masamang nakatingin kay Jihyuk na nakaupo sa gilid niya, isang upuan ang agwat nila sa isa't isa habang naglalaro ang ibang kaibigan.

"I told you, didn't I? She's just using you…can you open it?" Inabot ni Hyeri ang can ng milkis niya dito. Binuksan naman 'yon ni Jihyuk kahit na nakatingin ito sa kawalan at madami ang iniisip.

"Aish!" Nang binalik sa kaniya ang soft drinks niya ay inirapan niya ito. "Feeling mo kasi lahat ng babae makukuha mo, do you think you are in a drama? Nagbigay ka pa talaga ng pera para paghiwalayin 'yung dalawa?" inis nyang tanong sabay inom.

"Shut the fuck up, Ahn Hyeri. Mama ko nga hindi ako pinapagalitan," iritadong sagot ni Jihyuk.

"If your Mother only knew the bullshits you've done in your life, ewan ko na lang kung anong gawin niya sa'yo!" sermon ni Hyeri. "If we hadn't forced you to come in school again, you might still be drinking alcohol until now!"

Pumikit nang madiin si Jihyuk at nilingon si Hyeri. "Can you just stop nagging at me? Am I interfering with your relationship with Joon? Am I telling you to break up with him whenever he hurts you?" mahinahon ngunit naiinis nyang tanong.

"B-Bakit mo dinadamay ang relasyon namin ni Joon? Ikaw ang dapat ayusin ngayon! Sobrang bata mo pa para sirain ang atay mo sa alak!" hindi maiwasan ni Hyeri ang mapasigaw. Natigil sa paglalaro sila Joon dahil doon, ngunit nagpatuloy ulit nang makitang si Jihyuk ang kausap nito.

"Hindi mo ako kailangan pakialaman, sino ka ba?" inis na tanong ni Jihyuk.

"Siraulo ka ba? Kaibigan mo ako!" Binato ni Hyeri si Jihyuk sa ulo ng lata sa sobrang inis. May laman pa 'yon kaya naman nasaktan ito at napahawak sa ulo.

"Tama na 'yan," awat ni Minhyuk sa kanilang dalawa. Umupo siya gitna nila matapos iwan si Joon at Haesuk na naglalaro pa din. Kasama nila ang ibang estudyante na inaya nila at walang choice kundi ang sumama dahil sa takot na mapagtripan.

Huminga nang malalim si Hyeri para pakalmahin ang sarili. "It bothers me, why are you wasting your time chasing her? There are many girls out there who likes you."

"You can't force Jihyuk to like other girls he doesn't like. He has his own decision, so it's up to him if he wants Arim, even if it's wrong," sabi ni Minhyuk na nakahalukipkip at nakatingin kay Haesuk na naka-goal. Sinipa siya ni Joon sa gilid ng hita dahil natalo niya ito.

"Let's go home," sabi ni Joon na kakalapit lang sa kanila. Kinuha na nito ang bag niya at naglakad na palayo, sumunod naman agad sa kaniya si Hyeri at Haesuk.

"Let's go, pal." Tinapik ni Minhyuk ang dibdib ni Jihyuk bago ito maglakad palayo. Walang gana namang sumunod sa kanila si Jihyuk dala ang bag nito.

"Isa pa ngang order ng soju!" sigaw ng isang customer, agad namang kumilos si Hobin para maibigay agad dito ang order. Gabi na kasi at madami ang mga customer na kumakain kaya kailangan nyang magmadali dahil sila lang dalawa ni Woo ang nagpapatakbo dito.

Nilapag ni Hobin ang bote ng soju sa lamesa ng isang lalaki at nagtungo naman sa dalawa pang customer na kakarating lang.

"Isa nga pong fish cake!"

Nilingon ni Hobin ang maliit na boses na 'yon at nakita si Yaejoon na nakaupo mag-isa sa isang table.

"He's always here every night," sabi ni Hobin pagkadating niya sa pwesto ng Amo niya.

"Nakakalibre kasi siya dito," natatawang sagot ni Woo. "ibigay mo na itong order niya sa kaniya."

Naglakad papunta sa table ni Yaejoon si Hobin na may dalang fish cake at corn dog.

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon