Chapter 16: Truth [ Flashback ]

38 24 0
                                    


"Bawal ang minor dito." Tinulak ng lalaking nagbabantay si Hobin nang subukan niyang pumasok sa loob ng building.

"Hindi na ako minor," giit ni Hobin. Binaba niya ang itim niyang cap at humakbang ulit papunta sa loob, pero lumakas na ang tulak sa kaniya ng lalaki.

"Wala akong pakialam kung 18 or 20 ka na, 21 years old lang pataas ang mga pinapapasok dito." Inayos ng lalaki ang black coat na suot at umayos muli ng tayo. "Magpakita ka ng ID kung gusto mo talaga makapasok."

"Tch." Kinagat ni Hobin ang labi niya at naglakad paalis sa harap ng lalaking 'yon, pero hindi siya tuluyang sumuko. Naging abala ang lalaki sa pagbati sa ilang taong pumapasok na siguradong matagal na naglalaro ng casino dito kaya nakakuha ng pagkakataon si Hobin na magpunta sa likod ng building.

Naghanap siya ng pwedeng mapasukan, kahit bintanang nakabukas sa kahit anong floor ay aakyatin niya makapasok lang siya. Mabilis siyang nagtago dahil may dumating na tatlong lalaki.

"Ang galing talaga ang dalawang 'yon, kaibiganin ko kaya sila tapos humingi ako ng balato? Hahaha!"

"Ginawa na nga nilang hanap buhay ang pagsusugal eh hahaha!"

"Bilisan na natin, ang sabi dumating daw si boss para kalabanin yung dalawa."

Kumaripas ng takbo ang tatlo kaya sinundan ito ni Hobin, nakita niyang pumasok ang mga ito sa pinto na nakakandado kanina. Agad siyang nagtungo dito at sinubukan itong buksan, hindi na ito nakalock kaya nilingon niya ang paligid bago tuluyang pumasok sa loob.

Sinundan niya ang mga boses ng tatlong lalaki at kung saan ito papunta, umayos siya ng lakad na parang pinayagan siyang makapasok sa loob upang walang makahalata. Bumaba sila sa isang hagdan kung saan may isang kwarto, pagkabukas ng pinto ay tumambad sa kaniya ang mga nagsusugal na mga tao.

"Sa tingin mo kaninong poker chips ang mauubos?"

Binangga ng isang lalaki si Hobin, pinagmasdan niya ito habang nakaakbay sa isang kasama. Nagtungo ang mga ito sa lamesa kung saan pinalilibutan ng mga lalaking nakasuot ng black suit.

Umupo si Hobin sa isang lamesa kasama ang mga hindi niya kilalang mga tao at binaba doon ang poker chips niyang dala, pinasahan siya ng baraha nang mag-umpisa ang laro.

Habang nagsusugal ay hindi inalis ni Hobin ang tingin sa mga nagkukumpulang lalaki.

Nilapit ng croupier or dealer ang mga poker chips kay Hobin ng manalo ito, pero dahil wala itong pakialam at nasa iba ang atensyon, nagawa niyang kumupit ng ilang chips.

"Ang galing talaga ng boss natin!" sabi ng mga lalaki nang manalo ng ilang beses si Ji Song kay Shin na kalaban nito.

"Ngayon ka lang ba natalo ng sunod-sunod?" nakangiting tanong ni Ji Song.

Napangisi si Shin. "Ayaw ko na." Tumayo siya sa upuan niya pero hinawakan siya ng isang tauhan ni Ji Song at binalik siya sa pagkaka-upo.

"H'wag mong hawakan si Shin," reklamo ni Yoo sa lalaki. Nilapitan niya ang kaibigan at binulungan ito. "Kaya mo 'yan, five hundred thousand won pa lang naman ang nawawala sa'yo-"

"Five hundred thousand won...pa lang? Siraulo ka talaga, you know how important that money is to me. Ngayon, one hundred thousand won na lang ang meron ako dito, kapag hindi pa tayo umalis baka pati bahay namin madamay," bulong pabalik ni Shin.

"Bakit ayaw mo na? Nag-eenjoy pa ako," nakangiting sabi ni Ji Song.

Hinawakan ni Yoo ang mga natitirang poker chips ni Shin at nilapit 'yon sa gitna. "Hindi kami uuwi hangga't hindi namin nababawi ang pera namin."

"Bakit hindi natin itaas ng one million won? Siguradong lagpas pa doon ang napanalunan niyo," sabi ni Ji Song habang binabalasa ang mga barahang hawak niya. "Two million won? Five million won? H'wag mo sabihing may Ten million won ka na sa bangko?"

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon