Chapter 1: Interview

136 50 11
                                    


PLACES ARE PURELY FICTION

Wala sa sarili si Hobin habang nakatayo sa malaki nilang pintuan, nakatulala siya sa mga damo sa bakuran nila habang may mga tao ang nakapalibot dito at nakikibalita.

May nakalagay na police tape sa paligid ng bahay para walang makapasok at makagulo ng crime scene.

Hindi inalis ni Hobin ang tingin sa lupa kahit dumaan na sa gilid niya ang bangkay ng mga magulang niya, nakahiga ang mga ito sa stretcher board at may nakatakip na puting kumot sa buong katawan.

"Excuse me..."

Nilingon ni Hobin ang isang detective na nasa likod niya, sinakay na sa ambulance ang dalawang bangkay para dalhin sa morgue.

"We need to get a statement from you, come with us to the police station," sabi ng detective. Walang pag-aalinlangan naman na sumunod dito si Hobin, nanatili siyang walang imik hanggang sa makarating sila ng police station.

"We asked people if there were any witnesses to what happened, but the house is far from others so we didn't find anyone," sabi ng detective habang naglalakad papunta sa interrogation room.

"Anak ka ng mga biktima and you just got home from school when you found your parents dead?" tanong ng detective kahit hindi pa sila tuluyan nakakaupo.

Umupo muna si Hobin sa harap ng lamesa bago tumango.

"Paanong kakauwi mo lang galing school ay nakapagpalit ka na agad ng damit pang bahay?" tanong pa nito, "May gana ka pa magpalit pagkatapos mong makitang walang buhay ang mga magulang mo?

"We don't use uniforms in our school, they letting us to wear what we want. Students don't like uniforms, they are ugly, uncomfortable and expensive," walang ganang sagot ni Hobin. Wala siyang emosyon na pinapakita.

Napaayos ng upo ang detective, "May chef knife na nakita sa crime scene. Nasa kusina sila kaya madali itong nakuha para gamitin sa pagpatay."

Nakatitig lang sa kaniya si Hobin na parang walang balak magsalita.

"Naabutan ito sa tabi ng ama mo at sa mga oras na 'to ay ina-identify na ang fingerprints na nandoon, hindi pa alam kung ano ang ikinamatay nila pero kapag lumabas na ang resulta ng autopsy doon pa lang namin malalaman. Kung papayag ka na ipa-autopsy ang mga magulang mo."

Tinitigan siya ni Hobin bago tumango, "Papayag ako."

"Good." Tumango ang detective at may nilabas na notebook at ballpen, "Tell me what you know to help solve the crime. Your father may have killed your mother and he killed himself, but there could also be someone else behind it."

Napangisi si Hobin at humalukipkip, "Ang likot talaga ng utak niyo, ang dami niyong alam," sabi niya sa detective.

Tumango ang detective na para bang ni-take niya 'yon as a compliment, "Kailangan 'yon para malutas ang krimen, bakit ka nga pala puro pasa sa mukha?" tanong nito sabay turo sa mukha ni Hobin na puro pasa at band aid.

Natahimik si Hobin nang may marinig na boses.

Wala ka ng nagawang tama!

Sana hindi ka na lang nabuhay!

Bakit ba pinanganak pa kita?!

Parents should only hurt their child if it does something wrong.

No.

They shouldn't hurt their child even if it did something wrong because discipline is not about beating...

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon