Chapter 41: Half-brother

12 5 0
                                    


Lumagpas na sa sariling curfew si Seoyeon, pero wala syang pakialam do'n lalo na kung si Woojae ang kasama niya. Ayaw niya pa nga sana umuwi pero pinilit na siya nito na ihatid dahil baka daw magalit ang Dad niya.

Expected na 'yon ni Seoyeon, kaya kahit na puro sermon ang maririnig niya mula sa kanyang ama ay lakas loob pa din syang pumasok ng bahay nila.

"Good evening, Ma'am." Yumuko sa harap niya ang isa nilang kasambahay. Hindi niya ito pinansin at naglakad lang patungo sa kanilang hagdan, nagtataka pa nga syang umakyat dahil hindi niya nakitang sinalubong siya ng kanyang ama. Samantalang, lagi 'yon ginagawa nito lalo na kapag late siyang umuuwi.

Huminto siya sa kalagitnaan ng hagdan para lingunin ang kasambahay nila na may edad na. "Where's dad?" tanong niya dito.

"Nasa office niya po." Pagkatapos marinig ang sagot nito ay magpapatuloy na sana siya sa kanyang pag-akyat, ngunit natigilan siya ulit dahil sa tinanong nito. "May kapatid ka po pala, Ma'am?"

Kapatid?

Mabilis na nagtungo si Seoyeon sa office ng kanyang ama at hindi sinagot ang tanong nito. Walang pasabi nyang binuksan ang pinto kaya naman gulat na mukha ang tumambad sa kaniya. Nagkasalubong ang dalawa niyang kilay nang makita ang isang lalaking pinaka-ayaw niya sa lahat.

"Don't you know how to knock?" tanong ni Joon habang nakataas ang isang kilay, naka-upo ito sa couch set habang may hawak itong baso na may lamang alak. Ang Dad niya naman ay naka-upo sa harap ng office table at umiinom din.

"What are you doing here?" inis na tanong ni Seoyeon.

Inirapan lang siya ni Joon at hindi sinagot, inikot pa nito ng dahan-dahan ang hawak na baso dahilan para tumunog ang mga yelo na nasa loob.

"Where did you go, bakit ngayon ka lang? Do you know what time it is?" tanong ni Siwoo. Hindi siya pinansin ng babaeng anak dahil kay Joon lang nakatuon ang atensyon nito.

"How dare you step in our house?" Nilapitan ni Seoyeon si Joon at hinawakan sa kwelyo dahilan para mapatingin ito sa kaniya.

"Seoyeon, bitawan mo ang kapatid mo," utos ni Siwoo gamit ang madiin ngunit mahinahong tono.

"Hindi ko siya kapatid," sagot ni Seoyeon sa madiin din na tono, pero hindi siya mahinahon. Halata sa kaniya na sobra siyang naiinis at nagpipigil lang siya ng galit.

"Hindi ko din naman gustong maging kapatid ka." Ngumisi si Joon sabay tanggal sa kamay ni Seoyeon na halos lumukot sa kwelyo niya, binitawan niya ito nang marahas.

"Patay na si Hyeri," sabi ni Seoyeon habang matalim itong pinagmamasdan, "you killed her."

Gumuhit ang isang ngiti sa labi ni Joon na kalaunan ay naging malakas na pagtawa na. "Tsk, you're not the one I came here for kaya dapat hindi na kita pinapansin. You're my half-sister, so we shouldn't fight." Tumayo ito at hinarap si Seoyeon. "Pero dahil makulit ka. I would like to ask, if you are happy with what you did?"

Hindi sumagot si Seoyeon at pinagmasdan lang si Joon nang masama habang ito ay nakangisi lang sa kanya, para bang wala lang dito ang sinabi niyang pinatay nito si Hyeri. Nagkapalit pa ata sila ng nararamdaman dahil siya itong parang kinakabahan ngayon.

"Stop it," saway ni Siwoo sa dalawa niyang anak. "Seoyeon, pumasok ka na sa kwarto mo. We will talk tomorrow."

"Sleep well, Sis." Hinawakan ni Joon ang ulo ni Seoyeon at ginulo ang buhok nito. Ngumiti pa siya nang pagkatamis-tamis bago ito lubayan at umupo ulit sa kinauupuan kanina.

Hindi makapaniwala si Seoyeon pero wala na siyang nagawa, padabog siyang lumabas ng office at madaling nagtungo sa kwarto para magkulong. Halos masira ang pintuan niya nang sinara niya ito ng buong lakas.

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon