Chapter 36: Genuine

17 5 0
                                    


Genuine - truly what something is said to be; authentic.

"What are you looking at?" masungit na tanong ni Joon, pinagpatuloy niya ulit ang pagkain niya matapos pansinin si Hyeri. Nakatitig lang kasi ito sa kaniya at hindi ginagalaw ang binili nyang pagkain para dito.

"Do you always get into fights? How many schools have you been to?" tanong ni Hyeri habang pinagmamasdan si Joon na sunod-sunod ang pagsubo ng pagkain. 

Lumipat na naman kasi si Joon ng ibang school dahil sa ginawa niyang pagsuntok kay Eunji sa mukha, unang araw pa lang niya sa school nila Hyeri noong ginawa niya ang bagay na 'yon. 

"One, two, three…" Tinaas ni Joon ang bawat isa sa mga daliri niya, "…hindi ko na mabilang. Jae Highschool na lang ata ang hindi ko pa napupuntahan sa buong Seodong-Gu," seryoso nitong sagot.

"Aren't you scared? Paano kung hindi ka na makapag-aral? Paano kung makulong ka na kapag gumawa ka pa ng gano'ng bagay?" tanong pa ni Hyeri.

Tumabingi ang ilong ni Eunji dahil sa suntok ni Joon at ang tanging ginawa lang na parusa para dito ay paalisin ito ng school at h'wag na tanggapin pa.

Nagtataka si Hyeri dahil hindi man lang gumawa ng mabigat na hakbang ang kanilang father para parusahan ang gumawa no'n sa half-sister niya.

"Sino bang gusto mag-aral? Gusto niyo lang naman makapagtapos," masungit na sagot ni Joon.

Natahimik si Hyeri nang makuha niya ang point ni Joon, naalala niya ang mga araw na nagpapagod siyang gumawa ng mga assignment or activities pero nagrereklamo siya dahil sa sobrang dami nito.

"Dinadaldalan nila ako ng kung anu-ano pero wala naman akong naaalala ni isa," dagdag pa ni Joon.

Napangiti si Hyeri habang pinapakinggan ang mga rants ng lalaking nasa harap niya, halos hindi na niya nagalaw ang pagkain niya kakatitig dito.

Nasa loob sila ng cafeteria dahil break time, hindi niya maintindihan sa sarili kung bakit pumayag siya na sumama sa lalaking hindi niya pa lubos na kilala, siguro dahil hindi niya na kaya magtiis sa school kung saan nakikita niya ang half-sister niya.

Madaming nagbago simula noong makilala niya si Joon, hindi lang sa school siya nailayo pati na din sa kanyang ina. Simula kasi noong mangyari ang pagsuntok ni Joon kay Eunji ay nagkaroon ito ng galit sa kaniya, mas pinili ng dad niya ang una nitong pamilya at nadisappoint ang mother niya dahil sa mga paninira ni Eunji tungkol sa kaniya.

Wala siyang panahon para ipaliwanag ang sarili at sobrang bigat no'n sa pakiramdam, wala siyang kakampi dahil pati ang mother niya ay tinalikuran na siya, at bukod do'n nakikihati lang sila sa ama ng ibang pamilya.

"Here." Nilapag ni Joon ang isang bottle ng soju sa harap ni Hyeri kaya napatingin ito sa kaniya, "Are you thinking about your mother again?" tanong niya pagkatapos umupo sa tabi nito. 

Nag-iwas ng tingin si Hyeri at pinagmasdan ang soju sa maliit na mesa. Nandito sila sa isang apartment, wala pang masyadong gamit dahil kakalipat lang nila.

"I couldn’t get her out of my mind," malungkot na sagot ni Hyeri.

"Tch." Binuksan ni Joon ang beer nyang dala at nilagok 'yon, "Sa tingin mo iniisip ka niya? Hinayaan ka nga nyang umalis sa inyo."

"Ikaw, hindi mo ba naiisip ang pamilya mo?" nakangusong tanong ni Hyeri.

"I don't think about the things that bothers my peace of mind," sagot ni Joon sabay bigay kay Hyeri ng soju, "my parents don't care about me and I don't care about them either."

Pinagmasdan ni Hyeri ang alak na nasa harap niya at kahit na bawal pa syang uminom ay nagawa niya pa din itong lasahan at paabutin sa kanyang sikmura.

"Hindi po ba kayo nadadala? Minsan lang umuwi si dad dito pero sinasaktan ka pa, hanggang kailan ka po magpapakamartyr?" inis na tanong ni Hyeri habang may tumutulong luha sa mga mata niya.

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon