Chapter 48: Principles

24 2 0
                                    


"Why were you there at the hospital at that time?" tanong ni Chief Min nang maka-uwi sila galing sa police station. Wala namang ebidensya ang mga pulis na magdidiin kay Woojae sa nangyari kaya nakalabas agad ito at pina-uwi muna sa ngayon.

"Why did you hit that guy with a bottle?" tanong pa ni Chief Min nang hindi siya sagutin ni Woojae. Hinarap niya ito kaya huminto ito sa paglalakad. "My son can't do that."

Tinitigan lang ni Woojae ang taong nasa harap niya at hindi ito sinagot, umigting ang panga niya dahil sa pagpipigil na may masabi na naman siya tulad kanina at noong nagtalo sila.

"Ako na ang bahalang kuma-usap sa kaniya," sabi ng lawyer kaya nagpatuloy na sa paglalakad si Chief Min at iniwan ang dalawa doon. Sinundan naman ng lalaking lawyer si Woojae na umupo sa sala. "For now, the police only have the surveillance footage when you hit Mr. Hwang Minhyuk. But when his parents watch it, they might actually agree that you might have killed their son."

"I don't have any bad intentions towards Minhyuk, in fact I'm watching over him. Kami, ako pati si Hobin," sagot ni Woojae. Sumandal siya sa sofa at pinikit ang mga mata.

"Yeah, you and Mr. Kim Hobin. I heard that Mr. Hwang Minhyuk is one of the reasons why his left eye was almost blind," sabi ng lawyer kaya napa-upo nang maayos si Woojae para tignan siya. "Wala na din ang ibang kaibigan ni Mr. Hwang at nasangkot ang pangalan ni Mr. Kim sa mga kaso-"

"But he was proven innocent, so am I." Huminga nang malalim si Woojae at nag-iwas ng tingin.

"Tell me what really happened on the surveillance footage, which will help you defend yourself." Naglabas ng cellphone ang lawyer para i-record ang sasabihin nito.

"Pauwi ako galing school…"

Bilang na lang ang umuuwing students, ang iba sa kanila ay may kailangan gawin sa school kaya na-late ng uwi. Gano'n din si Woojae, may mga tinapos siya bilang isang president ng buong campus. Naghintay pa nga siya ng konti sa harap ng gate dahil nagbabakasali na makakasabay niyang umuwi si Seoyeon, pero dahil hindi ito nagpakita ay nagdesisyon na siyang lisanin ang paaralan.

Habang sakay-sakay ng kanyang motorsiklo ay napansin niya si Seoyeon na kakalabas lang ng isang shop, tinawag niya ito pero nagpatuloy lang ito sa paglalakad dahil hindi siya narinig. Lumiko ito sa isang eskinita kaya nagmadali siya na sundan ito gamit ang sasakyan niya.

"Seoyeon!" tawag niya dahil bigla itong nawala. Pinarada niya muna ang sasakyan niya sa tabi para tignan ang kaibigan niya.

"Fuck!" Nang marinig ang sigaw na 'yon ay agad niyang sinundan kung saan 'yon nanggaling. "Ano bang mapapala mo kung sabihin mo 'yon?!" Nagkasalubong ang kilay niya nang makita na sinisigawan ni Minhyuk si Seoyeon.

"Anong nangyayari dito?" Nilapitan na niya ang dalawa kaya napatingin sa kaniya si Seoyeon na parang walang pakialam sa kung anong sinasabi ng lalaking nanggagalaiti sa harap nito.

"Sabihin mo sa kaniya na hindi totoo 'to!" sigaw ni Minhyuk sabay pakita ng picture na nasa cellphone. "Wala bang humahalik sa'yo kaya nakikinood ka sa iba?"

Tinignan ni Woojae kung ano ang nilalaman nito at nakita niya doon si Minhyuk at Hyeri na magkahalikan.

Napangisi si Seoyeon. "Gusto mong sabihin kong edit lang 'yan?" tanong niya habang nakataas ang kilay. Sumeryoso ang mukha niya at hinalukipkip ang mga braso. "Hindi ako hahalik ng taong sinuka na ng iba."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon