Chapter 29: Foul Play

8 4 0
                                    


Foul play - a criminal act that results in serious damage or injury, especially murder.

Hindi gustong pumasok ni Mijin sa school ngunit kailangan, inaalala niya kasi si Hobin na apektado sa biglaang pagkawala ni Haesuk. Usap-usapan sa buong school ang pagkamatay niya at dahil doon ay nagsusulong ang bawat leader ng prevention sa depression at suicide. 

Tulad ng laging nangyayari, nagkukumpol-kumpol ang bawat grupo ng estudyante para pag-usapan ang nangyaring pagkamatay ng pang-apat nilang kaklase.

"You really can't read what's on someone's mind. Akalain mo 'yon? Bigla na lang siyang nagpakamatay."

"Nagsisisi ako. I've once seen Joon punch him really hard, but I can't do anything."

"That bastard always beat him, but he still manages to smile."

"Do you know how crazy Joon is? I found out that he always want to see Haesuk smiling. When he saw Haesuk with straight face, he'll really punched it over and over again!"

"Psycho."

"His parents are also hurting him aren't they?"

"He's probably reached his limits, nakakalungkot lang dahil gano'n pa ang naisip niyang solusyon sa mga problema niya."

"Mamimiss ko ang kakulitan niya."

"Pati na rin ang magulo niyang pagsulat."

Nakikinig lang si Mijin sa mga kaklase niyang nagkumpulan sa likod at pinag-uusapan ang pagkawala ni Haesuk. Tinignan niya ang upuan kung saan ito naka-upo, it was full of flowers and candles tulad ng ginawa nila sa iba nito pang kaibigan na wala na ngayon.

Hindi ulit pumasok ang mga kaibigan nitong sila Joon, gano'n ang laging sitwasyon simula nang mawala si Yoo at Shin.

"Ang weird lang kasi sa circle of friends nila ang namamatay. Una si Yoo at Shin tapos si Jihyuk at ngayon naman si Haesuk, who do you think will be next?"

"Ano bang tanong 'yan? As if someone is killing them. We are not on television and you can't say that Hobin did it again, how many times has he been proven innocent."

"It really gives me the creeps, mismong kaklase pa natin ang namamatay tapos magkakaibigan pa. Anyway sabay-sabay na tayo magpunta mamaya sa funeral niya."

Napa-irap na lang si Mijin at yumuko sa table, mabuti na lang at hindi pumasok si Hyunjae ngayon kaya hindi gaanong masama ang araw niya, hinihintay niya na lang na mag-uwian.

Nang makauwi siya ay agad niyang pinuntahan si Hobin sa kwarto nito, naabutan niya itong nakaupo malapit sa bintana at malayo ang tingin.

"I understand why you didn't pick me up, but are you really okay? You were not on your own since last night, nakadalaw ka na ba kay Haesuk? Gusto mo sabay na tayo magpunta?" tanong niya dito.

Hindi ito sumagot at nakatingin pa din sa kawalan.

Pinagmamasdan niya ito habang malalim ang iniisip. "What's bothering you? Magsabi ka lang Hobin, nandito lang ako para sa'yo."

"Mijin..." 

"Hmm?"

Nilingon siya nito gamit ang mapupungay na mata. "Do you know where I went last night?" 

Kumunot ang noo ni Mijin dahil sa tanong nito. "Huh?"

Nag-iwas ng tingin si Hobin at tumayo galing sa pagkakaupo. "Ikaw na muna ang magpunta, papasok ako ng trabaho," sabi nito bago lagpasan si Mijin. 

Pinagmasdan na lang niya si Hobin habang bumababa ng hagdan, hindi naman niya mapipilit kung ayaw nitong sabihin kung ano ang bumabagabag sa isipan nito.

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon