Chapter 30: Farewell

10 3 0
                                    


Farewell - an expression of good wishes at a parting.

Nilapag ni Calvin sa lamesa ang mga ebidensya na nasa kwarto ni Haesuk, may nakuha sila ditong kutsilyo na ginamit para hiwain ang leeg nito, may papel din sa tabi nito kung saan nakasulat ang mga gusto nyang sabihin o suicide note kung tawagin, at isang maliit na piraso ng foil na hindi pa natutukoy kung ano ang laman.

"If what happened was murder, it's impossible for his parents not to hear it. If someone really killed him, right?" Hindi mawari ni Calvin kung ano ang paniniwalaan, sigurado naman siyang suicide ang nangyari dahil sa mga ebidensya pero may isang bagay na hindi niya mawari ang pumipigil sa kanila na isipin 'yon.

"We need evidence about that, we need a sure and true conclusion," sagot ng Detective.

"What if he actually committed suicide, that no one killed him? Mapapahiya ka na naman kung gano'n ang kinalabasan," nag-aalalang tanong ni Calvin.

"I'm not doing this to impress them, I'm just doing my job." Seryosong inuusisa ng Detective ang mga nakuha nilang ebidensya. 

"Yeah, you're right. Kaya idol kita eh!" nakangiting sagot ni Calvin. "So, what are we going to do next, now that they have already agreed that we will investigate the student's death?"

"Let’s put together what happened with the help of this evidence," sagot ni Detective Kang bago itaas ang kutsilyo na naka-sealed sa plastic. "We need to know whose fingerprints are here. Gawin mo ang trabaho mo, ako na ang bahala dito." Nilapag niya muli ito sa mesa.

Tumango si Calvin. "Yes, Detective. Mauuna na ako." Agad itong umalis ng police station at nagtungo sa funeral ni Haesuk dala-dala ang kanyang ballpen at maliit na notebook.

"Good afternoon, ako po 'yung police officer na naka-usap niyo noong isang araw." Wala na sanang mabubuksan na kaso kung hindi hinihinala ng pamilya nito na may pumatay sa kaniya, kaya nandito siya ulit ngayon para sa imbestigasyon.

"Pwede ko po ba makuha ang impormasyon tungkol sa pamilya ni Lim Haesuk. May konting katanungan lamang po ako para sa inyo," sabi ni Calvin sa ina ni Haesuk. Pumayag naman ito at sumunod sa kaniya sa labas.

"Sinu-sino po kayo sa bahay?" nag-umpisang magtanong si Calvin.

"Ako, 'yung asawa ko, si Haesuk at si Haesoo," sagot ni Myunghee sabay hawak sa braso ng anak niyang babae.

"Pwede ko po ba malaman ang relasyon niyo kay Haesuk?" tanong pa ni Calvin habang nagsusulat sa notebook.

"Adoptive parents niya kami, nasa akin na siya noong baby pa lang siya," sagot ni Myunghee na pinaglalaruan ang mga daliri.

"Ano pong masasabi niyo tungkol sa pagmamaltrato ng asawa niyo kay Haesuk? Totoo po bang nabubugbog siya sa bahay niyo?" Tumigil sa pagsusulat si Calvin at tinignan ang babaeng nasa harap niya.

Huminga nang malalim si Myunghee bago sumagot. "Mainitin ang ulo ni Yong kaya kapag may nagagawang mali si Haesuk nasasaktan niya talaga. Pinaghihinalaan niya din ako na anak ko sa ibang lalaki si Haesuk kaya gano'n niya ito tratuhin." Naluluha siya, dahil naaalala niya siguro ang mga sandali na 'yon.

"Nasa bahay na po ba kayong lahat noong mga oras na nagbabalak na pala si Haesuk na…magcommit ng suicide?" tanong ni Calvin na nag-iingat sa mga salitang bibitawan niya. 

"Maaga akong natutulog kaya hindi ko alam ang nangyayari sa kanila noong mga oras na 'yon."

"Uhm..." Napalingon silang dalawa kay Haesoo nang magbalak itong magsalita.

"Do you want to say something?" tanong ni Calvin.

"Tulog na si mama noong gabi na 'yon at kami lang dalawa ang nasa bahay, si papa naman nakipag-inuman sa mga kaibigan niya. I was hungry that night, so I went out to go to the convenience store," kwento ni Haesoo.

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon