Chapter 46: Gone

14 5 0
                                    


I was aware that what we have now would end the moment I saw her in that situation. We reached the end right away before we even started.

"Ma'am, okay ka lang ba? Sir, ano pong gagawin natin?" tanong ng kasambahay na dumamay kay Seoyeon na naka-upo na sa lapag. Nakatulala lang ito at walang imik.

I have no idea what's going through her mind at the moment, but it appears like something has brought up the previous trauma she underwent. I am like that; even if I meet my father, everything that happened to me would come flooding back, and I will thus avoid seeing him.

"Woojae!" Bumalik sa wisyo si Woojae nang marinig ang boses ni Chief Min, nakita niyang buhat na nito si Seoyeon na nawalan ng malay kaya agad siyang lumapit para kunin ito sa kaniya.

"Don't touch her!" galit na sabi ni Woojae sabay kuha kay Seoyeon sa bisig ng ama niya.

"Let's take her to the hospital, baka kung ano pang mangyari sa kaniya," mahinahong sagot ni Chief Min na mukhang walang ideya kung saan pinupulot ng anak niya ang galit sa mga oras na ito, nasanay na kasi siya na lagi itong galit sa kaniya.

"I'll take care of her." Agad na nilabas ni Woojae si Seoyeon at pinasok ng dahan-dahan sa loob ng kotse, pinasama niya ang kasambahay sa loob dahil siya ang magmamaneho. Hinayaan naman siya ni Chief Min na gawin ang gusto niya kahit na kotse niya ang gamit nito.

Nanatili sa hospital si Woojae habang pinagmamasdan si Seoyeon na wala pa rin malay. Hindi niya alam kung magagawa niya pa itong harapin sa oras na malaman nito ang katotohanan, siguradong magagalit ito sa kaniya dahil itanago niya ng ilang taon na may nalalaman siya.

Halos isang oras siyang naghintay na magising ito kahit na may takot siya na baka hindi na siya nito kausapin, kaya naman nang dumilat ito ay agad-agad siyang nagtungo sa kama para tignan ang kalagayan nito.

"S-Seoyeon, are you alright?" tanong ni Woojae ngunit nang tumama ang tingin sa kaniya si Seoyeon ay agad siyang nag-iwas ng tingin.

"What happened?" naguguluhang tanong ni Seoyeon nang mapansin na nakahiga siya sa ibang kama, puting mga kurtina ang nakapaligid sa kaniya at may naririnig siyang mga taong nagsasalita.

Pinaglaruan ni Woojae ang mga daliri niya dahil iniiwasan niya na tignan ito. "Hinimatay ka sa bahay, kaya nandito ka sa hospital ngayon."

"I-I'm just hallucinating, right?" tanong ni Seoyeon habang hinahawakan ang ulo. "Masyado na ba akong malala? Kung anu-ano na ang naiisip ko."

Should I tell her the truth? I shouldn't disregard what happened, if I wait any longer the outcome would undoubtedly be worse.

"Sobrang lalim naman ng iniisip mo," sabi ni Seoyeon nang mapansin na hindi nito magawang magsalita. Ngumiti siya ng konti habang pinagmamasdan ito. "Can you tell me something about your Dad? Is he a good person or…not?"

Napalunok si Woojae nang marinig ang tanong na 'yon mula kay Seoyeon, napatingin siya ng diretso dito at hindi alam kung anong isasagot. Natatakot siya sa maaaring mangyari, pero mukhang wala na siyang takas ngayon.

"Why are you hiding him from everyone? Why didn't you tell others about him? He's a Chief Officer, surely admired by anyone around the police quarters."

"Seoyeon…" Hindi maintindihan ni Woojae kung anong mararamdaman, alam niyang hindi ayos ang nangyayari at mas natatakot siya sa pinapakitang pagiging kalmado nito.

"My father controls me, pressures me to work hard in my studies, and the worst part is that he has a illegitimate child. If my mother hadn't gone, that wouldn't have happened, and I shudder to think what would have happened to him if I had gone as well." Tumingin sa ibang direksyon si Seoyeon, nagbabakasakali na maitago niya kay Woojae ang pagtulo ng luha niya.

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon