Chapter 40: Boy Friend

11 5 0
                                    


"Congratulations to those who got perfect scores in the exam," bati ng isang teacher sa harapan, nagpalakpakan naman ang mga students sa loob ng classroom maliban kay Seoyeon na lumilipad ang isip.

"I'll announce your ranks when the computation of your grades is over, that's all for today. Class dismissed." Sa huling salita nito ay nagsitayuan na ang mga estudyante para magsi-uwian. Naiwan naman si Seoyeon na tahimik na naka-upo sa upuan niya, wala man lang nagbalak na ibalik siya sa kanyang katinuan.

"Miss Park," tawag ng Teacher kay Seoyeon pero dahil nakatingin lang ito sa kawalan ay minabuti na ng teacher na lapitan ito. "Miss Park." Hinawakan niya ito sa kamay dahilan para mabaling ang tingin nito sa kaniya.

"Kanina pa kita tinatawag, I need to talk to you about your grades. Come with me to the Teachers' office."

Tumango si Seoyeon at wala sa sariling kinuha ang bag para sumunod sa kanyang teacher palabas ng classroom. Ngayon niya lang napansin na sila na lang pala ang natitirang tao sa loob.

Pagkarating sa office ay nilapag muna ng teacher ang gamit na dala bago lingunin ang student na nasa likod niya. "Is it okay if I ask…what have you been up to these past few days?" Umupo siya sa swivel chair habang nakatayo si Seoyeon sa harap niya.

"Why are you asking me if it's okay, eh you already asked it na?" seryoso nitong tanong.

Napatingin ang teacher sa student niya dahil sa narinig niyang sagot. "Miss Park?"

Umiling lang si Seoyeon at nag-iwas ng tingin.

"Hindi ka ba napapabarkada or wala ka bang bisyo like games, social media, or else?"

"Do I look like I'm doing those things?" tanong ni Seoyeon habang nakataas ang isang kilay. Mapupungay ang mata niya na para bang hindi siya maayos na nakakatulog tuwing gabi.

"That's the question, hindi ka naglalaro ng games, minsan ka lang gumagamit ng social media, at hindi ka naman lumalabas palagi kasama ang mga kaibigan mo. Pero bakit bumaba ang mga grades mo ngayon?"

Natahimik si Seoyeon na para bang huli na nang dumating sa kaniya ang sinabi nito. "Bumaba ang grades ko?" wala sa sarili niyang tanong.

"Yes, parang hindi si Park Seoyeon ang nag-aral this quarter. Ang baba din ng nakuha mong mga exam ngayon, you used to have perfect scores in all subjects," sagot ng teacher habang kinakalikot ang laptop, "hindi matutuwa ang Dad mo kapag nakitang ganito ang grades mo."

"Bumaba ako?" malungkot na tanong ni Seoyeon, yumuko siya at pinaglaruan ang mga daliri niya. "Nagreview naman ako para sa exam. Nagbasa ako ng mga textbook at notes, kaya bakit ako bumaba?"

Hinawakan ng teacher ang kamay niya kaya napatingin siya dito. "Is there something bothering your mind? When you were taking the exam, I observed that you were having a hard time. Napapahawak ka pa sa ulo mo, pero hindi naman gano'n kahirap 'yon. Sa totoo nga, easy lang lahat 'yon para sa'yo."

Nag-iwas ng tingin si Seoyeon, lumalabas lang sa kabilang tenga niya ang mga pinagsasabi nito. Ilang araw na siyang wala sa sarili at hindi makapagfocus, pero hindi niya 'yon napapansin dahil nga wala siya sa sarili niya.

"I need to tell your Dad about it first, para alam natin kung anong gagawin. You can go home now."

Hindi nagpaalam si Seoyeon, diretso lang syang naglakad palabas ng office.

May humawak sa bag niya kaya nilingon niya kung sino ang gumawa no'n.

"Are you okay?" tanong ni Woojae. 

Nag-iwas ng tingin si Seoyeon at nagpatuloy lang ulit sa paglalakad, sinundan naman siya ni Woojae habang hawak pa din ang bag nyang nasa likod. "Sinundan kita kaya ako nandito. May problema ba? Mukhang seryoso ang pinag-usapan niyo."

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon