Chapter 28: Eccedentesiast

12 6 0
                                    


Eccedentesiast - a person who fakes a smile.

"I'm not doing this for you," sagot ni Hobin.

Tumango si Haesuk at pinagpatuloy na lang ang pagkain, natatakot siyang magtanong ng kung anu-ano dito dahil mukha itong galit palagi at wala sa mood.

"I think I need to stay away from them as well."

Tumigil sa pagkain si Haesuk para kausapin siya. "Hmm, kanino? Kay Mijin?"

"Someone tried to kill me, it's not safe for them if I stay in their house," sagot naman ni Hobin.

"Madami ba ang galit sa'yo? Imposible namang si Joon 'yon dahil lagi kaming magkakasama simula noong mawala sila Shin at Yoo," sabi ni Haesuk.

Natahimik sila ng ilang minuto pero agad din nabasag ang katahimikan na 'yon.

"You…are you afraid of me?" tanong ni Hobin.

"Ha?" Pumikit ng ilang beses si Haesuk. "Bakit naman ako matatakot sa'yo?" natatawa niyang tanong.

Huminga nang malalim si Hobin at sumandal sa sofa. "I was accused of killing them because I was with them before they died. Pinatatag pa 'yon ng idea na baka gumaganti ako dahil sa ginawa nila sa akin." Nilingon niya si Haesuk gamit ang mapupungay na mata. "So, I'm asking you if you're scared right now that I'm with you?" seryoso niyang tanong.

Ngumiti at umiling si Haesuk. "No, especially since you didn't really do it. Kahit naman ako, hindi ko magagawang pumatay kahit na saktan nila ako ng paulit-ulit," diretso nyang sagot.

Tumango si Hobin at hindi na ulit nagsalita.

Lumapit sa kaniya ng konti si Haesuk at sumandal din sa sofa. "Hindi natin malalaman kung hanggang saan na lang tayo, hindi ko nga inaasahan na mawawala agad sila sa mundo. Atleast before they disappear, they did something for their family"

"Shin was able to treat his mother. Yoo was able to pay their debt. Jihyuk took away their family name in shame. If he marries Chaeyeon, they will definitely be affected by the issues that are spreading now about the Chaewon group."

"What about you? What do you plan to do in case this is your last day?" tanong ni Hobin na kinagulat ni Haesuk, nagtaka naman siya dahil sa naging reaksyon nito. "Why? I thought you weren't afraid of me?"

"Uh, nabigla lang ako sa tanong mo. Hindi ko kasi 'yon naisip, in case it's my last day in the world I want to be with my parents. That's probably what everyone wants," nakangiting sagot ni Haesuk. "Ikaw?"

"Hindi ako sigurado," sagot ni Hobin.

"Saan ka hindi sigurado?"

"Kung handa na ba ako harapin ang mga magulang ko."

Ilang araw nanatili si Haesuk sa bahay nila Hobin, hindi muna siya umuwi sa bahay nila at nagawa niya pang tumulong sa pagbibigay ng orders kaysa pumasok ng school.

Hindi naman nila 'yon pwedeng gawin habang buhay, may mga pamilya pa din silang dapat uwian. Siguradong nag-aalala na ang mother ni Haesuk sa kaniya at sila Mijin kay Hobin kaya napagpasyahan na nilang umuwi sa kani-kanilang bahay.

"Haesuk!"

Natigil silang dalawa sa paglalakad at nilingon ang tumawag, nakita nilang dalawa si Joon at Minhyuk na papalapit sa kanila.

"Why don't you go to school? You don't seem to come home either?" tanong ni Joon kay Haesuk. Napansin niya na may kasama ito kaya lumingon siya dito at napansin na si Hobin pala 'yon. "Bakit mo kasama ang isang 'to?"

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon