Chapter 32: Localized Amnesia

7 5 0
                                    


Localized Amnesia - involves being unable to recall a specific event or events or a specific period of time; these gaps in memory are usually related to trauma or stress.

"Hindi ka pa din ba magsasalita? All we need is information from you and once you've answered our questions pwede ka na umuwi…kung wala ka talagang kasalanan," sabi ni Detective Kang, malapit na maubos ang pasensya niya kay Hobin dahil hindi nakakatulong ang mga sagot nito. Hindi nila talaga ito pinauwi that's why Hobin spent the night at the police station. 

"I really don't know, I don't remember," paulit-ulit na sagot ni Hobin.

"Why don't you deny that you're not in their house, that you have nothing to do with Haesuk's suicide?" inis na tanong ni Detective Kang. "Is that hard to say? Maybe that only means one thing, you have a hard time denying that you went there because you were really there that night."

"Hindi niya nga kasi alam. Nako! Paulit-ulit ang tanong at sagot," sabat ni Calvin, kanina pa din siya naiinis dahil sa nangyayari. 

Hindi niya maintindihan ang Detective kung bakit ito nagsasayang ng panahon kay Hobin, lalo na nang malaman niya na hindi pinaalam ng Detective ang impormasyon na hindi kay Hobin ang nakuhang fingerprints sa kutsilyo. Kaya ngayon, ang pinanghahawakan nilang ebidensya ay ang may nakakita kay Hobin sa bahay nila Haesuk bago ito namatay.

"Shut up," madiin na suway ng Detective.

"Sorry." Yumuko si Calvin para humingi ng pasensya. Mataas ang tingin niya dito kaya kung ano man ang gawin nito ay suportado niya.

"I really don't know," madiin din na sagot ni Hobin, kahit siya ay hindi na din nagugustuhan ang paulit-ulit na nangyayari. 

"Oh 'di ba? Walang katapusan 'to," sabi ni Calvin, dahilan para tignan siya ng masama ng Detective. Minabuti niya na lang na umalis sa harapan ng mga ito, lumabas siya ng interrogation room at pinanood na lang sila sa malaking salamin.

Huminga nang malalim si Detective Kang, "What do you remember?" mahinahon nyang tanong. "Sabihin mo kung ano ang natatandaan mo, imposibleng wala kang alam."

Pinikit nang madiin ni Hobin ang mga mata niya at sinubukang tandaan kung ano ang nangyari noong gabing 'yon, pero hindi niya magawa. Pinalo niya ang mesa dahil sa inis. "I don't really remember! I don't know!" Galit siya pero ang boses niya ay mababa lang pero may diin.

Napahawak sa noo si Detective Kang, sumusuko na siya. "Just think, we'll talk later." 

Iniwan niya sa loob si Hobin para makapag-isip ito nang maayos.

"Are you alright?" tanong ni Calvin dahil hindi na maipinta ang mukha ng Detective.

"Para siyang siraulo," sagot ni Detective Kang.

"Pakainin po muna kaya natin siya para magkalaman ang utak, baka gutom lang 'yon," suggestion ni Calvin. 8 pm na kasi at nandito pa din ito police station.

"Bilhan mo ng pagkain," utos naman ng Detective.

Lumipas ang ilang oras pero wala pa din nangyari, umiinit na ang ulo ng Detective pero pinipili niya pa din kumalma. Kanina pa kasi nakatitig si Hobin sa binigay nilang pagkain, tahimik pa din ito at kahit ang pagkain ay hindi magawa.

"Hindi pa din po siya kumakain," sabi ni Calvin na napahawak na sa noo dahil sa stress na binibigay ni Hobin. 

"Mukhang hindi siya tinatablan ng gutom o sanay lang talaga siyang malipasan," walang ganang sabi ng Detective habang pinagmamasdan si Hobin sa malaking salamin kung saan kita ito sa loob ng interrogation room, samantalang ito ay hindi kita kung sino ang nasa labas.

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon