Chapter 39: Trauma

10 5 0
                                    


Trauma - is an emotional response to a terrible event like an accident, rape or natural disaster.

Napatingin sila sa damit ni Hobin at nakitang mayroon ngang mantsa ng dugo dito.

"Anong nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Mijin, hinawakan niya pa ang damit nito para tingnan nang malapitan ang mantsa.

Pinagmasdan naman ni Hobin ang puti nyang damit. Sa unang pagkakataon ay nagsuot siya ng hindi kulay itim, hindi naman kasi siya mahilig sa mga light na colors tapos ganito pa ang nangyari.

"Someone ran into me earlier," sagot ni Hobin sa tanong ni Mijin. Naalala niya ang nakabanggaan niyang lalaki at dahil nagmamadali siyang makapunta sa apartment na ito ay hindi na niya napansin kung ano ang itsura niya.

"Nakilala mo ba kung sino 'yon?" tanong ni Detective Kang.

Sumisipol naman sa isang tabi si Hyunjae habang nakikinig sa kanila.

"I was in a hurry kaya hindi ko nakilala," walang ganang sagot ni Hobin. Hindi niya din talaga 'yon makikilala kahit hindi siya nagmamadali, wala naman kasi talaga siyang pakialam sa paligid niya.

"Do you already know what happened to your classmates?" tanong pa ni Detective Kang.

Napangiti si Hyunjae na para bang excite na excite siya sa napapanood, kulang na lang ay kumain siya ng popcorn habang pinapanood ang mga ito.

Napalingon naman si Hobin sa pintuan ng apartment ni Hyeri, hindi niya kasi napansin kanina na may mga pulis na nasa loob at wala siyang ideya kung ano ang nangyari dahil pinapunta lang siya ni Mijin.

"Someone killed Ahn Hyeri while Seo Minhyuk is in the hospital right now and is currently being treated," kwento ng Detective.

Nag-iwas ng tingin si Hobin at nanliit ang mga mata, may sinusubukan siyang alalahanin na detalye sa nakabanggaan niya kanina.

"Alam mo ba kung sino ang pwedeng gumawa ng bagay na 'yon?" mahinahong tanong ni Detective Kang.

Naglabas ng sigarilyo si Hyunjae at sisindihan sana ito, pero nagulat siya dahil inagaw sa kaniya ng Detective ang lighter niyang dala.

"Hey! Do you know how much that is?" reklamo ni Hyunjae nang ibulsa ng Detective ang Dupont lighter niya.

"Wala kasi masyadong nakatira sa helera ng apartment building na 'to, kaya nagtanong kami sa ibang floor pero walang nakarinig sa nangyari," sabi pa ni Detective Kang, hindi niya pinansin ang hinaing ni Hyunjae.

"May siraulong ex-boyfriend si Hyeri and the guy I bumped into earlier...they have the same earrings," sagot ni Hobin.

Tumango si Detective Kang at binigay na ang lighter kay Hyunjae. "I don't want anyone smoking in front of me," sabi nito bago pumasok sa loob ng apartment.

"Ang arte ng taong 'to," ani Hyunjae bago itago ang cigarette at lighter niya. Sinamaan niya ng tingin si Hobin bago tuluyan umalis sa harapan ng mga ito.

"Sigurado bang ayos ka lang?" tanong ni Mijin pagtapos nilang maihatid ni Hobin si Seoyeon sa bahay nito, wala pa din kasi itong imik hanggang ngayon. Ni wala man lang itong sinabi nang pumasok ito tuluyan sa gate.

"Sa tingin ko kailangan niyang magpatingin, mukhang natrauma siya sa nakita niya kanina," sabi ni Mijin habang pinagmamasdan ang malaking bahay nila Seoyeon.

"Meow..." Sumunod ang isang kulay itim na pusa kay Seoyeon nang makapasok na siya sa loob ng bahay, kinikiskis nito ang sarili sa binti ni Seoyeon para magpapansin ngunit dire-diretso lang siya na umakyat sa kwarto.

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon