Chapter 17: Captive

40 24 0
                                    


Pagkadating ni Hyeli sa kwarto ni Molly ay hindi niya inaasahang nandito ang taong hinahanap niya, binuksan niya ang pinto kaya napatingin sa kaniya ang dalawang babaeng natigil sa pag-uusap.

"Good morning, Tita Molly," bati ni Hyeli sa mother ni Shin, inayos niya ang suot na sunglasses bago magtungo sa kama nito. "N-Nandito po pala kayo, Tita Yumi."

"Nagulat nga ako at dumalaw siya, sobrang tagal na din naming hindi nagkikita," masayang sagot ni Molly.

"Uh…kakarating mo lang po ba?" tanong ni Hyeli kay Yumi. May inasikaso kasi siya at pagbalik niya sa funeral hall ay wala na ito.

"Hindi ko mapigilang hindi dumalaw," sagot ni Yumi.

Pinilit naman ni Hyeli na ngumiti at tumango nang normal.

Hinawakan ni Yumi ang kamay ni Molly at tinignan ito na para bang naluluha. "Maayos na ba ang pakiramdam mo? Kung alam ko lang na kailangan mo talaga ng surgery noon pa, sana pala ay ginawa ko ang lahat para lang mabigyan ka ng pera," sabi nito habang nagpupunas ng luha.

Nag-iwas ng tingin si Hyeli dahil hindi niya inaasahan na sasabihin 'yon ni Yumi.

Ang kaninang masayang mukha naman ni Molly ay unti-unting naglaho at napalitan ito ng pagtataka.

"Wala din kasi akong pera noong mga panahon na 'yon lalo na't nagkasakit din ang bunso kong anak, yung ibang kapatid naman natin wala din maibigay-"

"Anong ibig mong sabibin?" hindi makapaniwalang tanong ni Molly.

"Huh?" Naguguluhang tumingin si Yumi kay Hyeli na umiling lang sa kaniya.

"H'wag mo sabihing ang anak ko ang gumagawa ng paraan para mabayaran ang mga gastusin ko sa hospital?" Nangilid ang luha sa mga mata ni Molly. "Nag-aaral si Jiyoung, 'di ba?" tanong nito kay Hyeli na agad namang tumango.

Napahawak si Yumi sa bibig niya nang mapagtanto ang sinabi.

"Akala ko kayo ang tumutulong sa akin, p-pero ang anak ko pala?" Tuluyang lumuha si Molly dahil sa nalaman. "Bakit napakatigas ng ulo ng batang 'yon?! Ang sabi ko mag-aral siya nang mabuti!" Niyakap ni Yumi ang kapatid para patahanin ito.

Walang magawa si Hyeli dahil sa sobrang kaba na nararamdaman niya.

"N-Nasaan si Jiyoung?! Kailangan ko siya makausap!" Hinawakan ni Molly si Yumi sa balikat. "Ate, nasaan ang anak ko? G-Gusto ko siyang yakapin at magsorry sa kaniya!"

Nilingon niya si Hyeli na nagpipigil na umiyak, pero hindi napigilan ang mga luha na patuloy na bumabagsak sa pisngi nito.

"Tawagan mo si Jiyoung, Hyeli. Papuntahin mo siya dito, paki-usap! Dalhin niyo si Jiyoung dito!" Hinawakan ni Molly si Hyeli sa braso pero nanatili lang itong tahimik. "Bakit? Bakit ayaw niyo siyang tawagan?"

"K-Kumalma ka lang po Tita, hindi po mabuti sa kalagayan mo ang ginagawa mo," sabi ni Hyeri habang pinupunasan ang luha niya sa pisngi.

Huminga naman nang malalim si Molly para pakalmahin ang sarili niya. "Please, gusto kong makita si Jiyoung," pagmamakaawa niya sa dalawang babaeng nasa harap niya. Umiling si Hyeli at hinawakan ang kamay ni Molly na hindi na naman napigilang umiyak muli. "H-Hindi po pwede ang gusto niyo."

"B-Bakit hindi?!" galit na tanong ni Molly.

"Kakagaling mo lang po sa surgery, makakasama po sa kalagayan mo ang makita siya," mahinahong sagot ni Hyeli habang hinahagod ang kamay ni Molly.

"Anong ibig mong sabihin? Mas mapapabilis ang paggaling ko kapag nakita ko siya!"

"Molly, magpahinga ka muna-"

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon