Chapter 15: Riot

50 29 2
                                    


Riot - a violent disturbance of the peace by a crowd.

Naglalakad pauwi si Mijin at ang kanyang ina pagkatapos nilang mamili ng mga grocery. Binuksan ni Mirae ang gate at pumasok na sa loob, susunod na sana si Mijin ngunit may lalaking humarang sa daan niya.

"Excuse me." 

Hinarap ni Mijin ang lalaking kumausap sa kaniya at yumuko sa harap nito para magbigay ng galang.

"Detective Kang? Ano pong ginagawa niyo dito?" tanong ni Mijin.

Tumunog ang gate kaya napatingin sila dito at nakita na lumabas ulit si Mirae. "Bakit hindi ka pa pumapasok?" tanong niya kay Mijin bago tignan ang lalaki na kausap nito.

"Good morning," bati ni Detective Kang.

"Kang Janghyun?" banggit ni Mrs. Lee sa pangalan nito matapos itong mamukhaan. Hinawakan niya bigla sa braso si Mijin para itabi sa kaniya.

"Ako nga." Nanliit ang mga mata ng Detective at kinilala ang babaeng nasa harap niya ngayon. "Lee…Mirae, tama ba?"  

Kumunot ang noo ni Mijin habang nililipat-lipat ang tingin sa kanyang Ina at sa Detective. "Magkakilala po kayo?" nakanguso niyang tanong sa dalawang nakakatanda na magka-usap ngayon.

Napangiti si Detective Kang at tumango. "Minsan na kaming nagkasama noon, pero hindi ko na matandaan kung kailan at kung saan," sagot nito.

"Gano'n po ba?" Ngumiti si Mijin at sumulyap sa Mama niya na seryoso lang na nakatingin sa lalaking kaharap nila ngayon. "Uhm…ano po ang kailangan niyo at bakit kayo naparito?" tanong niya kay Detective Kang.

"Dito na pala nakatira si Hobin?" tanong ng Detective habang pinagmamasdan ang bahay nila.

Kumunot ang noo ni Mijin nang marinig ang pangalan ni Hobin. "Uh…opo, wala na po kasi siyang matuluyan."

Tumango lang si Detective Kang at pinagmasdan silang mag-ina. Bumigat ang pakiramdam ni Mijin na para bang may hindi tama at gano'n din ang napansin niya sa kanyang Ina dahil hindi ito makatingin ng maayos sa Detective.

"A-Ano po bang kailangan niyo kay Hobin?" tanong ni Mijin dahilan para mabasag ang katahimikan na namumuo sa kanilang tatlo.

Sasagot sana si Detective Kang pero biglang bumukas ang gate, sinara naman ito ni Hobin pagkalabas niya.

"Hobin," tawag ni Detective Kang habang nakangiti. Tinignan naman siya ni Hobin na walang kahit anong reaksyon sa mukha. "Kailangan mong sumama sa akin sa police station para sa ilang katanungan."

"Police station? Ano pong nangyari?" nagtatakang tanong ni Mijin.

Hindi ito sinagot ni Detective Kang at naghintay lang na sumama sa kaniya ang tunay nyang pakay.

Nag-alala si Mijin nang lumapit si Hobin kay Detective Kang kaya agad niya itong pinigilan at hinawakan sa braso. "Hobin, hindi mo kailangang sumama."

"Kailangan niyang sumama, Ms. Lee. Napaka-importante ng mga itatanong namin sa kaniya," sabi ni Detective Kang sa madiin na tono.

Napapikit nang madiin si Mijin nang marinig ang tinawag sa kaniya nito, ngunit agad naman siyang dumalat nang hinawakan ni Hobin ang kamay niya para tanggalin sa braso nito.

Ngumiti si Detective Kang nang lumapit sa kaniya ng tuluyan si Hobin. Tinapik niya ito sa balikat bago ito pagbuksan ng pinto ng kotse.

"Uuwi din ako," mahinahong sagot ni Hobin bago pumasok sa loob. Nagpaalam na din si Detective Kang bago pumasok at paandarin ang sasakyan palayo.

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon