Chapter 13: Illegal Gambling

53 29 1
                                    


Gambling in Korea - Casino is illegal in Korea but Koreans are allowed to gamble though ToTo sites, lotteries, horse racing, cycle racing and powerboat racing.

"Welcome, sir." Yumuko ang lalaking nakasuot ng black-suit bilang pagbati sa isang matandang lalaki, pumasok ito sa loob ng isang building na napapalibutan ng malalaking puno.

"Bakit ba dito pa tayo magsusugal? Hindi ko gusto ang nararamdaman ko dito." Pinagmasdan ni Shin ang buong lugar, tago ito at makikita sa nagbabantay sa labas na hindi lang basta-basta ang mga taong nagsusugal dito.

"Okay lang 'yan as long as magaan ang pakiramdam ko, I'll cheer you up." Naunang naglakad si Yoo bago si Shin at sinubukan nilang pasukin ang lugar na 'yon, ngunit hinarang sila ng lalaking nakabantay sa double door.

"Bawal ang mga minors dito, umalis na kayo," sabi ng lalaki.

"Umalis na kasi tayo," bulong ni Shin pero hindi siya inintindi ni Yoo, may kinuha ito sa bulsa niya at ipinakita iyon sa lalaki.

"Mukha lang kaming minors pero nasa tamang edad na kami, 25 na kaming dalawa," sabi ni Yoo sabay pakita ng I.D nila. "Ganito pala talaga kapag gwapo?" natatawa nitong tanong sa kaibigan, inirapan lang siya ni Shin.

"Sige, pasok na," sabi ng lalaking nagbabantay.

"Tara na, Shin!" Masaya niyang hinila ang kaibigan papasok.

"Saan mo naman nakuha 'yang pekeng I.D na 'yan at anong 25 na tayo? 18 pa lang ako." Naiinis na tinignan ni Shin si Yoo habang malaking ngiti naman ang binalik nito sa kaniya.

"18 lang din naman ako. Hindi tayo makakapasok kapag sinabi ko ang tunay nating edad at yung sa I.D naman…secret na 'yon!" Tumawa si Yoo at inakbayan si Shin. "Kailangan talaga natin makapasok dito dahil mas malaki ang pwede mong mauwing pera kaysa kahapon!"

"Paano kapag natalo na ako ngayon?" kinakabahang tanong ni Shin dahil ang mga perang nakukuha niya ay para sa pagpapagaling ng kanyang ina at kapag nabawasan 'yon o maubos kailangan na naman niya magtrabaho ng buong araw para mabawi 'yon.

"Magtiwala ka sa akin! Pumapabor sa'yo ang mga baraha, kaya bakit ka matatakot? Ako ang bahala sa'yo!" Tinapik niya ang balikat ni Shin para lumakas ang loob nito.

Pagkapasok nila ay bumaba pa sila sa isang hagdan at pumasok sa isa pang kwarto. Napalunok si Shin dahil hindi lang ito simpleng pasugalan, ang mga taong nandito ay gumagastos ng sobrang laking pera! Makikita naman sa dami at kulay ng poker chips na nakakalat sa bawat lamesa.

"Anong ginagawa natin sa ganitong klaseng lugar? Puro gangster ang nandito at illegal 'to," Tinignan ni Shin ang mga lalaking nagsusugal, lahat sila ay nakablack na coat at hindi kaaya-aya ang expression ng mga mukha.

Napahawak sa noo si Shin nang maramdaman na may tumutulong pawis dito.

"Malalaking pera ang nilalabas nila na siguradong makakatulong sa pagda-dialysis ng mama mo." Tinaas ni Yoo ang braso niya para ipunas sa noo ni Shin. "At h'wag ka matakot sa mga 'yan." Hinila niya si Shin papunta sa isang lamesa at pina-upo doon.

Bumili siya ng ilang poker chips bago umupo sa tabi ni Shin.

"I got ya." Kinindatan ito ni Yoo at nagsimula na silang magtake ng risk.

"Sabi ko naman sa'yo magtiwala ka lang!" Malaki ang ngiti ni Yoo habang nagbibilang ng pera palabas ng pasugalan. Huminto siya sa harap ng double door nang mapansin na hindi umiimik si Shin kahit na nanalo sila ng maraming beses.

"Hindi ka ba masaya na may pangbili ng gamot at pangdialysis na si Tita Molly?" tanong ni Yoo kaya napahinto sa paglalakad si Shin para lingunin siya. "Hindi lang pangpagamot ang pwede mong mabayaran dito, madami ka din mabibili na mga gamit na gusto mo kapag pinagpatuloy natin 'to-"

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon