Chapter 44: Ambience

10 6 0
                                    


"Chae, let's eat," sabi ni Hyunjae pagkabukas ng pinto ng kwarto. Naabutan niya ang kapatid niya na nakaupo sa lapag at nakasandal sa kama habang malayo ang tingin.

Naka-uwi na si Chaehyun at ilang araw na siya namamalagi sa kwarto, matapos niya makatakas sa taong dumukot sa kaniya.

Hanggang ngayon ay hinahanap pa din ang suspect sa pagkawal ng mga babae, mahirap itong mahanap at wala naman magawa si Hyunjae kundi ang hintayin ang imbestigasyon ng mga pulis.

"Chaehyun," tawag niya sa kaniyang kapatid pero tulad ng mga nakaraang araw ay mahirap pa din itong kausapin. Lagi itong tulala at nakayakap sa magkabilang tuhod. Lagi pa nila itong naririnig na umiiyak tuwing gabi dahil sa masamang panaginip, gusto man niya manatili sa tabi nito pero hindi niya magawa.

Ayaw ni Chaehyun na may dumidikit sa kaniyang lalaki kahit na magkapatid naman sila. It became sensitive, as if it were a time bomb that would suddenly explode when you touched.

"Leave me alone," walang ganang sagot ni Chaehyun.

"I'll just tell manang to bring you food."

Sobrang nalulungkot si Hyunjae dahil hindi na sila makapagbonding tulad ng ginagawa nila noon, madalas siya nitong yakapin pero kahit tingin man lang ay hindi na siya nito mabigyan. He will be able to wait a long time until she recovers, until she can live a normal life again without fear.

Lagi siyang nagtyatyaga na puntahan ito kahit na pagtabuyan siya nito paalis.

Isang araw nang puntahan niya ito sa kwarto ay liwanag ang bumungad sa kaniya, nakabukas ang pinto sa veranda at pumapasok sa loob ang hangin. Naka-upo si Chaehyun sa tapat ng study table nito, nakakapagtaka dahil tahimik ang paligid, halos marinig na niya ang mga huni ng ibon. Hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman, mapayapa pero bakit ang bigat?

[/Table banging/]

Natigil sa pag-iisip si Hyunjae nang marinig ang ingay na ginawa ng kanyang ama. Nilingon niya ito para pakinggan ang walang tigil nitong reklamo.

"What wrong with Scythe and why the dealership to China was postponed?!" galit nitong tanong matapos makipag-usap sa telepono. "Nangako silang babawi sa akin dahil sa dalawang business na nalagas sa atin!"

Umayos nang upo si Hyunjae at kumuha ng cigarettes para sindihan ito, pero natigil siya sa gagawin nang batuhin siya ng kung anong bagay sa ulo ni Chairman Choi. "Bisyo na lang ba ang lagi mong aatupagin?!"

Walang ganang pinagmasdan ni Hyunjae ang sapatos na binato sa kaniya bago pagpatuloy ang pagsindi sa cigarette na nasa labi niya. "I can't do anything about that," sagot niya bago sumandal sa couch.

Napahawak sa noo at huminga nang malalim si Chairman Choi. "You mentioned that you and Scythe got along, find out what happened," utos niya sa anak.

Napa-irap na lang si Hyunjae at lumabas na ng office nito. Kahit walang ganang gumalaw ay nagpunta siya sa Scythe na tinutukoy ng kanyang ama. Didiretso sana siya sa police station pero nang makita niya ang isang pamilyar na kotse ay niliko niya ang motor niya para sundan ito.

Huminto siya sa isang building kung saan huminto ang sasakyan na sinundan niya. Nagtago siya para walang makakita nang bumaba na sa kotse ang taong nakasakay dito.

"Good evening, Detective Kang. Mauna na po kayo sa loob, padating na si Mr. Park," sabi ng isang lalaking nakasuot ng black suit. Nauna itong pumasok para ipaalam sa detective ang daan patungo sa loob ng building.

Susunod sana si Hyunjae pero may napansin siyang ilaw ng sasakyan kaya agad siyang yumuko at nagkunwari na nag-aayos ng motor para hindi mapansin na nagmamasid siya. Nilagpasan siya ng kotse at pumasok na ito kung saan huminto ang kotse ni Detective Kang.

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon