Chapter 22: Frightened

37 12 0
                                    


Nakatingin sa labas ng bintana si Mijin habang ang mga kaklase niya ay nag-uusap tungkol sa naging pagkamatay ni Jihyuk. Sari-sari ang reaksyon ng mga ito, ang iba ay naluluha, may nagulat sa nangyari, at may mga natatakot. Hindi pumasok ang magkakaibigan na sila Joon kaya maging sila ay pinag-uusapan din.

"It's really dangerous to go out at night, pataas na nang pataas ang mga nangyayaring krimen dito sa atin," sabi ng isa sa mga nag-uusap na grupo ng mga babae.

"When my Mom found out that my classmate had died, she suspected me of going to that kind of place," kwento naman ng isa sa mga grupo ng lalaki. "Ang sabi ko, 'sigarilyo lang ang bisyo ko!' then she threw slippers on my face. Hindi niya nga pala alam na nagsisigarilyo ako."

"Oppa...always be careful when you go out at night, arraseo?" malambing na tanong ng isa sa mga nakapalibot kay Hyunjae.

"Did you know? A drug pusher was caught on our street. Do you think the rise in crime is due to the proliferation of illegal drugs? We no longer trusted our neighbors because of what happened."

"Drugs?" tanong ni Hyunjae.

*Tumango naman ang babae. "There are many types of illegal drugs, but the sale of LSD in clubs is more widespread, teenagers are mostly the one who's using it."

"Oppa, don't plan to try that. When you become a famous idol you can be canceled for using drugs."

Tumango si Hyunjae at ngumiti kasama ang mga mata.

"Good morning, class." Pumasok si Mr. Han sa loob kaya nagsi-ayos na ng upo ang mga studyante. "Hiniram ko muna ang oras ni Mr. Jeon ngayong hindi siya pumasok. Don't worry because I'm not going to teach a lesson, I just want us to pray for your classmate who passed away."

Tumingin si Mijin sa upuan ni Jihyuk, puno ito ng bulaklak na galing sa kanila.

Tumayo na silang lahat para ipagdasal ito, pumikit sila habang nagsasalita si Mr. Han sa harap. Nanatili namang nakadilat si Hyunjae at pinagmamasdan lang silang lahat.

"We also really make mistakes in life so as much as possible let's not judge Mr. Song, just because he was found a few steps away to an underground club," malungkot na sabi ni Mr. Han nang maupo na ang lahat ng students niya pagkatapos magdasal.

"Let us always be careful even if death is unavoidable. Wait for your next teacher and let's visit Song Jihyuk at his last funeral. Thank you for your cooperation."

Pagkaalis ni Mr. Han sa classroom ay nag-umpisa ulit mag-usap-usap ang iba't ibang grupo.

[ Breaking News: A man was found dead in a dark alley last night...to help solve the crime, they are currently looking for the person who called the police station. ]

Kinagat ni Mijin ang daliri niya dahil sa bigat na nararamdaman. Hindi niya maalis sa isip niya si Hobin at ang mga ginawa nito kaninang madaling araw.

Alas tres na ng madaling araw ngunit nasa labas pa rin si Hobin, sa madilim na paligid ay may ilaw na masisilayan sa harap nito, binato niya papasok sa loob ng malaking steel drum ang isang basag na cellphone, wallet, at mga alahas, may apoy ito kaya naman nasunog ito sa loob.

"Anong oras na, hindi ka pa ba magpapahinga?" Niyakap ni Mijin ang sariling braso dahil sa lamig ng simoy ng hangin habang nasa labas siya ng pintuan nila. Naalimpungatan siya kanina at napatingin sa bintana, kaya nakita niya si Hobin na may ginagawa sa bakuran.

Hindi siya sinagot ni Hobin, ni hindi man lang ito lumingon sa kaniya. Nakatitig lang ito sa steel drum kung saan nagrereflect sa mga mata niya ang apoy na nanggagaling dito.

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon