Chapter 9: Serenity

81 35 1
                                    


Serenity - a state of being calm, peaceful and untroubled.

Seoyeon never really liked school events dahil stress lang ang binibigay sa kaniya nito, apart from being in charge because she was a vice president…nagawa niya pa talagang gumastos para sa lalaking walang ibang ginawa kundi ang tumingin sa malayo at mag-isip nang malalim.

Nilingon niya si Woojae na nakatingin sa daan na tinatahak nila. He just looks like a normal person walking on the side of the road, but his gaze penetrates the other dimension.

"Are you thinking about Mijin and why she didn't bid on you?" Hindi na napigilan ni Seoyeon ang magtanong. Mukhang kasalanan niya pa kasi kung bakit hindi sila magkasama ngayon.

Nilingon siya ni Woojae na parang inosenteng bata kaya napangisi siya. "I didn't bid on you to think of Mijin," reklamo niya dito. Tinignan niya pa ito mula ulo hanggang paa para ipakita ang pagka-inis niya sa buong pagkatao nito.

Huminto si Woojae sa paglalakad kaya huminto din si Seoyeon. "Why? Did I say something wrong?" inis niyang tanong. Pinagtitinginan na siya ng ibang dumadaan dahil mukha siyang naghahamon ng away.

Ngumiti si Woojae bago umiling. "I'm just thinking about what we can do, nahihiya ako dahil puro school na lang ang lumalabas sa bibig ko." Kinamot niya ang likod ng ulo niya dahil sa pagkahiya. 

Sa apat na oras na magkasama silang dalawa ay puro tungkol sa school lang ang pinag-usapan nila. She's really frustrated that her whole life revolves around school, she thought that it would change in a few hours that she's with him.

"Tch, ano pa nga ba? That's not new to me." Humalukipkip si Seoyeon at nag-iwas ng tingin.

"Ang totoo nyan, hindi din ako mapalagay kakaisip kung anong oras ka tatawagan ng Dad mo."

Natigilan si Seoyeon dahil sa sinabi ni Woojae, parang lantang gulay na bumagsak ang kamay niya nang bumitaw ito sa pagkakapit sa kanyang braso. Huminga siya nang malalim at tumingin kay Woojae. Hindi galit ang mga mata niya, pero mukhang natakot ito.

"Salamat sa oras," sabi ni Seoyeon habang tinitignan ito ng walang emosyon. Inirapan niya ito at naglakad nang mabilis palayo.

"Seoyeon!" Narinig niyang tinawag siya ni Woojae, pero hindi na niya ito nilingon.

Hindi namalayan ni Haru na nakaalis na si Hobin sa apartment at hindi rin namalayan ni Hobin na wala pala siyang dalang wallet, pinababa siya sa bus dahil wala siyang pambayad.

Bukod sa naiwan niya ang wallet niya ay medyo nahihilo din siya. It looks like his alcohol tolerance is low.

Pagkababa niya sa bus ay may nabangga siyang babae, pagkatingin niya dito ay isang matalim na tingin ang pinakita nito sa kaniya.

"Seoyeon!"

Nilingon ni Hobin si Woojae na tumatakbo papunta sa direksyon nila. Huminto ito nang maabutan si Seoyeon at hinawakan ito sa braso.

"We have one more hour, why did you suddenly leave?" hinihingal na tanong ni Woojae.

Hindi siya sinagot ni Seoyeon, inirapan lang siya nito.

"Lovers' quarrel?" nakangising tanong ni Hobin sa kanila, dahilan para magkasalubong ang mga kilay nilang dalawa. Inirapan na lang sila ni Hobin gamit ang mapupungay nitong mata bago sila lagpasan.

Napatingin si Hobin sa langit dahil dumidilim na at mukhang uulan. He thought about a nearby house, so he walked to it. Sa totoo lang hindi 'yon malapit, wala lang talaga siya sa tamang pag-iisip kaya nagawa niya itong lakarin. Iniwan na niya ang dalawa doon habang pinipilit pa din ni Woojae si Seoyeon na sumama.

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon