Chapter 26: Worthless

38 8 0
                                    


"You are always involved in trouble, ano bang meron sa'yo?" tanong ni Woojae habang kumakain sila sa labas, nagdesisyon sila na magpahangin para mabawasan ang stress na dinulot ng issue na 'yon sa kanila.

Hobin just looked at him and didn't bother to answer.

"Aish!" Ngumuso at napairap na lang si Woojae.

"Let's forget about what happened, the important is that Hobin is innocent. Nagkataon lang na konektado ang totoo niyang pakay sa mga nangyaring krimen sa mga kaklase namin," sagot ni Mijin para kay Hobin dahil ayaw nitong magsalita tungkol sa nangyari.

"Teenager nowadays are really weird, different things are running through their minds. It's really scary sometimes to walk alone in a dark alley because someone might suddenly hit you," ani ni Woojae.

"Kaya mo naman ang sarili mo," nakangusong sagot ni Mijin.

Kinurot ni Woojae ang pisngi nito. "Cute mo talaga! Siyempre nag-aalala lang ako para sa'yo. Kaya ko ang sarili ko, ikaw kaya mo ba ang sarili mo?"

"Of course, gusto mo ba mag-sparring pa tayo?" pabirong tanong ni Mijin.

"I can't hurt you, pero minsan gusto na kitang kagatin sa sobrang cute mo." Kinurot pa ni Woojae ang kabilang pisngi ni Mijin. 

Kumunot ang noo ni Hobin habang pinagmamasdan silang dalawa.

"Cute lang?" Kumurba ang labi ni Mijin.

"Maganda ka. Sobrang ganda mo, Mijin." sagot ni Woojae.

Ngumiti nang malaki si Mijin at ginulo ang buhok ng kaibigan. "Good boy-"

Natahimik sila bigla at napalingon kay Hobin dahil padabog nitong binaba ang iniinom na chilsung cider sa mesa.

"Kailangan ko na pumasok sa trabaho," sabi nito bago tumayo at iwan sila doon.

"Akala ko nagselos siya," sabi ni Woojae habang pinagmamasdan si Hobin paalis.

Nagliligpit si Hobin ng mga pinagkainan, hindi na siya nag-abalang mag-aral pang muli. Ayaw na niyang abalahin ang sarili sa pagbabasa ng mga textbook dahil wala naman pumapasok sa isipan niya.

Hindi na nagpupunta si Yaejoon dito dahil kinuha na ito ng kamag-anak, nakakulong ang ate niya at wala ng mag-aasikaso sa kaniya kung mananatili pa siya sa apartment nila. Nagpaalam naman siya kay Hobin at nangako na dadalawin ito kapag kaya na niya bumyahe mag-isa. Hindi naman magawa ni Hobin na mangako dito na dadalawin niya ito.

"Mag-ingat ka sa pag-uwi- teka…sino ka nga ulit?" tanong ni Woo sa nag-iisang tauhan niya. Tapos na kasi ang trabaho nila at kailangan na nilang umuwi sa kani-kanilang bahay.

"Hobin." Ilang beses sa isang araw niyang ipinakilala ang sarili sa matanda dahil madali itong makalimot.

"Hobin! Ikaw pala 'yan! Mag-ingat ka sa pag-uwi!" nakangiting sabi ng matanda.

Tumango si Hobin at naglakad na palayo. He was walking in a dark alley which he always did, but he didn't care nor afraid that someone might suddenly hurt him again. 

May nararamdaman siyang sumusunod sa kaniya pero pinagsasawalang bahala niya lang 'yon, nagpatuloy siya sa paglalakad. Lumiko siya sa isa pang eskinita at huminto doon para hintayin ito.

"What do you need from me?" tanong niya sa mababang tono.

Narinig niya ang paghinto ng yapak ng sapatos mula sa likod niya, kaya hinarap niya ito. Isang lalaki nakatakip ang buong katawan ang tumambad sa kaniya, kahit ang mata nito ay hindi magawang masilayan dahil sa dilim kung nasaan sila ngayon.

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon