Chapter 18: Lothario

32 19 0
                                    


A man whose main interest is in having sex with as many women as possible without having a serious relationship with any of them. 

Nahuli na ang tunay na salarin sa pagkamatay ni Yoo at Shin kaya naman gumaan na ang pakiramdam ng mga taong naiwan ng mga ito. Hinatid na din ang mga ito sa huling hantungan kahit na hindi pa sila handang pakawalan ang mga ito.

"Good morning, class." Tumayo ang mga estudyante para bumati sa teacher nilang kakarating lang.

Tuloy pa din ang pagpasok sa school kahit na kulang na ng dalawa ang grupo nila Joon, bakante ang dalawang bangkuan sa pwesto nila kung saan dati naka-upo sila Yoo at Shin.

"Magsi-upo na kayo," utos ni Mr. Han kahit na hindi pa nakakapagsalita ang mga student para batiin siya. Sumunod naman ang mga ito at umupo nang maayos sa kani-kanilang upuan.

"Isang linggo na ang nakakalipas simula nang iwan tayo ng dalawang student na tinuturing na nating pamilya, pero ang sabi nga…when someone leaves, someone new will come," sabi ni Mr. Han.

Tumango si Mijin at nilingon ang upuan sa tabi niya, dito naka-upo si Hobin noong mga araw na pumapasok pa ito. Hindi na ito pumapasok ngayon kaya siya na lang ang mag-isa ang naka-upo sa likuran.

"Come in…" Napatingin ang mga student sa pintuan dahil may sinenyasan si Mr. Han mula doon.

"Let me introduce to all of you, your new classmate." Nilahad ni Mr. Han ang kanyang kamay sa pintuan. Pumasok mula dito ang isang lalaking matangkad at sobrang gwapo. Sinakop ng mamahaling pabango nito ang buong classroom.

"Morning…I'm Choi Hyunjae," nakangiting sabi ng bago nilang kaklase. Maaliwalas ang itsura nito dahil sa puti nitong long sleeve na polo, maayos itong nakasuot kaya hindi kita ang tattoo niya sa katawan. Mukha siyang Kpop idol kaya naman labis ang kilig na nararamdaman ng mga babae.

"Wow…"

"Holyshiii! Ang gwapo!"

"Sana sa akin siya tumabi," sabi ng isang babae na halos magdasal para lang matupad ang hiling niya, naka-cross fingers pa ito habang pinagmamasdan si Hyunjae sa harapan. 

"Gago ka ba?" Tinulak siya sa braso ng katabi niyang lalaki dahil sa hindi normal niyang ginagawa. "Ano, papaalisin mo ako dito?"

"Oo!" Ginantihan naman siya ng babae ng matinding kutos sa ulo kaya hindi na siya nagsalita.

"Pamilyar siya," sabi naman ni Haesuk.

"Mr. Choi's face is aesthetically pleasing. May I ask if…which company are you training for?" pabirong tanong ni Mr. Han.

"Haha!" Pumeke ng tawa si Hyunjae, pati ang mga mata niya ay nakangiti din. "Gwapo lang ako, pero wala akong talent," natatawa niyang sagot dahilan kung bakit natawa din ang ibang students.

"He definitely doesn’t have a brain either…" walang ganang sabi ni Joon, nakahalukipkip ito at mapungay ang mata habang nakatingin kay Hyunjae na feel na feel ang natatamong atensyon sa mga bagong kaklase.

Naagaw niya ang atensyon ng lahat pero ni-isa sa kanila ay walang umalma sa sinabi niya.

"Tulad mo?" nakangiting tanong ni Haesuk. Sinamaan siya ng tingin ni Joon kaya pinili na lang nyang tumahimik.

"Be nice, Mr. Joon Han," pagpapaalala ni Mr. Han. "Nakakatuwa ka naman Mr. Choi, sana magustuhan mo dito. Pwede ka nang umupo," pag-iiba niya ng usapan.

Tumango si Hyunjae at nilibot ang mata sa mga magiging kaklase. Nagtaas siya ng kilay sa grupo nila Joon na seryoso lang na nakatingin sa kaniya, at nginitian naman ang mga babaeng halos paalisin na ang mga katabi nila sa upuan para lang paupuin siya sa mga tabi nito.

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon