-7 MONTHS LATER-
Loucy's POV
"The doctor said that you need to be more careful. Maglakad-lakad ka rin daw para mas madali para sayo na manganak." Sabi sa akin ni Ford saka niya kinuha ang kamay ko at hinalikan niya ito.Natatawa ko namang pinisil ang pisngi niya. "I know. Narinig ko rin naman yung sinabi ng doktor ko kanina."
"Inulit ko lang para mas matandaan mo." Sabi niya.
Napailing na lang ako saka ibinaling ang atensyon ko sa labas ng kotse namin habang hinihimas ko ang malaki ko ng tiyan. "Can't wait to see Volkswagen."
Ang kamay ni Ford na nakahawak sa manibela ay lumipad papunta sa tiyan ko para himasin din ito. "Ako rin. Sure ka ba na 'yon lang ang pangalan ni baby? Ayaw mo ng dagdagan pa?"
Pinalo ko tuloy ang kamay niya ng mahina. "Ang kulit mo. Hindi na ako papayag sa hirit mo na magkaroon ng second name si Volkswagen. Mahaba naman na 'yon. Yung sayo kasi kaya may second name ka, kasi apat na letra lang naman yung Ford. Save that second name to our second baby. Pinagbigyan na nga kita na brand din ng sasakyan ang pangalan nitong panganay natin eh."
Napanguso ito. "Marami akong naka lineup na pangalan waffle. Kaya mo ba manganak ng ganon karami?" Ungot niya.
"Ewan ko sayo! Basta Volkswagen lang ang pangalan nitong panganay natin." Sabi ko at hindi ko na napigilan pang sumimangot. Hanggang sa makarating kami sa bahay ay wala lang akong imik kaya hindi na naman mapakali 'tong isa.
"Hey. Galit ka ba? Suggestion ko lang naman na maglagay tayo ng second name ni baby." Sabi niya nang pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse.
"I'm not. Medyo sumakit lang yung tiyan ko kaya hindi na ako umimik." Napuno naman agad ng pag-aalala ang mukha niya.
"Masakit pa ba?" Malambing niyang sabi saka ako inakay papasok ng bahay.
"Medyo. Pero wag ka mag-alala. False labor lang 'to gaya ng sabi ni dok."
Hanggang sa makaupo ako sa sofa ay inalalayan pa rin niya ako. Pagkatapos non ay lumuhod siya sa harapan ko para halikan ang tiyan ko na parang puputok na sa laki.
"Volkswagen huwag mong saktan si mommy please. Kailangan niyang maging malakas kapag lalabas ka na, kaya huwag mo siyang bigyan ng stress. Behave ka muna sa tiyan ni mommy. Maglalaro tayo paglabas mo." Hinaplos-haplos ko ang kanyang buhok habang nakikipag-usap siya sa anak namin.
Natawa kami parehas nang gumalaw ang baby namin sa tiyan ko at kitang-kita ang pag-umbok ng ilang parte ng tiyan ko dahil sa ginagawa nito sa loob. "Mukhang makulit ang isang 'to paglaki. Kasasabi ko lang na huwag kang saktan, pero heto tignan mo." Natatawang sabi ni Ford.
"Hindi naman masyadong masakit. Saka natural lang na maging makulit siya paglabas lalo na at lalaki ang panganay natin."
Natawa na naman kami nang gumalaw na naman ng gumalaw ang baby sa loob ng tiyan ko. "I think he understands us. Mukhang hindi niya gusto yung mga naririnig niya sa atin." Ford said while caressing and kissing my tummy.
"Kamusta ang checkup. Ano sabi ng doktor mo anak?" Napatingin kami ni Ford parehas sa lola niya na papalapit sa amin. Simula nung malaman namin na buntis ako ay dito na rin tumira sa Bataan kasama namin ang lola at kapatid niya.
"Okay naman po lola. Sabi ng doktor, mas dadalas pa raw ang mga contractions niya lalo kapag palapit na ng palapit ang due niya." Sabi ni Ford saka naupo sa tabi ko.
"Excited na ako na lumabas ang baby niyo. Ang tagal na rin simula nung huling beses akong nakapag-alaga ng bata." Halata ang pagkasabik sa mukha ng lola niya.
"Si Farrah la, nasaan?" Tanong ni Ford nang mapansin na wala pa rin ang kapatid. Bago kasi kami umalis papunta sa doktor ay wala na ito at nauna pa sa aming umalis.
BINABASA MO ANG
What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)
General FictionI grew up in a very open place. From my birth, to my childhood days, teenage days until now that I'm lady, almost everybody knows me. Who wouldn't? Since I was born up to now, my father is still writing his name in the history of our government. A p...