Loucy's POV
"AND CUT!" Sigaw ni direk pagkatapos ibato ng katrabaho ko ang huling linya na nakasaad sa scipt namin.Matamlay akong nagtungo sa upuan na nakalaan sa amin saka ako nanghingi agad ng tubig kay Mica. "Mica water please." Mahina kong sabi saka pumikit at pinakiramdaman ko ang sarili ko.
Kumikirot ang ulo ko sa sakit at dumidilim ang paningin ko. Paano ba naman kasi ay nandito kami sa katirikan ng araw at nagshushooting. Wala naman kaming magagawa dahil maganda ang panahon na natapat para sa eksena namin.
"Grabe ang init dito sa set! Ito na madam yung tubig mo. Yung makeup mo nalulusaw na sa init." Sabi ni Mica saka ako pinaypayan ng hawak niyang pamaypay.
Kahit papaano sa tulong ng malamig na tubig at hangin mula sa pagpaypay ni Mica ay guminhawa na ang pakiramdam ko. "Makakalimutan ko pa yata yung script ko sa susunod na eksena sa sobrang init." Kwento ko kay Mica.
"Relax ka lang madam. Papaypayan naman kita." Sabi nito na ikinatango ko na lang.
"Guys rest muna kayo habang hinihintay natin na magkakuryente. Kapag nagkaroon na ulit ng supply ng kuryente proceed tayo sa next scene. Copy?" Sabi ng isang staff sa amin.
Matamlay naman akong tumango. "Kung kailan naman kailangang kailangan natin ng kuryente saka pa nagbrownout." Reklamo ko kay Mica.
"Teka ma'am pinakuha ko kay kuya Jon yung portable mini fan mo na may charge." Doon ko lang naalala na lagi nga pala akong may dala na dalawang portable mini fan kapag nasa trabaho.
"Full charge ba parehas 'yon?" Tanong ko sa personal assistant ko. Siya kasi madalas ang nag-aasikaso ng mga gamit ko at pati na rin ang pagchacharge ng mga 'yon.
"Oo naman ma'am. Kaya relax ka lang diyan. May gusto ka bang kainin?" Natawa ako sa sinabi niya.
"Kaloka ka Mica. Yung susunod na eksena namin magsisigawan kami dahil sa mag-aaway na kami ulit. Baka maamoy niya yung hininga ko." Biro ko sa kanya.
"Magsipilyo ka na lang ulit ma'am. Teka tawagin ko yung makeup artist para iparetouch yung makeup mo." Sabi nito at saka tumayo para hanapin ang makeup arist.
Napailing na lang ako at hinayaan ko na siyang umalis. Buti na lang masipag at mabait si Mica. Yung ibang co-artists ko kasi laging nag-iiba ng personal assistant dahil kung hindi tamad, hindi maasahan ang mga nakukuha nilang assistant. Hindi pa naman pwede ang ganon sa mga kagaya naming artista dahil talagang nakakapagod at nakakapuyat ang trabaho namin.
Hinayaan ko lang ang sarili ko na magpahinga habang hinihintay naming lahat na magkaroon ng kuryente. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko simula pa kanina bago pa ako makarating dito sa set pero ayoko naman na umabsent dahil hinahabol namin ang araw para matapos na namin ang pelikula na 'to. Idinadaan ko na lang sa pag-inom ng gamot.
Nang makabalik si Mica ay may dala-dala na siyang isang kahon ng tissue at agad akong inabutan. Pati salamin na maliit ay inabutan niya ako. "Sabi sa akin ng makeup artist punasan mo muna raw ang mukha mo ma'am. Sandali lang daw, dahil may ilang damit na nawawala sa dressing room."
Tumango ako at ginawa ang sinabi niya. "Look Mica. Halos maubos na yung foundation ko sa mukha sa init." Sabi ko pagkatapos kong punasan ang mga butil ng pawis sa mukha ko at ipinakita ko sa kanya ang naging kulay ng tissue pagkatapos.
"Hala oo nga ma'am. Hayaan mo mukhang madali lang naman para sa makeup artist na ayusin 'yan." Sabi nito.
Halos kalahating oras pa kaming naghantay sa pagbalik ng kuryente. Gaya ng sabi ng isang staff kanina ay kapag nagkaroon na ng kuryente ay eksena na agad kaya naman pumunta agad kami ng katrabaho ko sa scene.
BINABASA MO ANG
What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)
Ficción GeneralI grew up in a very open place. From my birth, to my childhood days, teenage days until now that I'm lady, almost everybody knows me. Who wouldn't? Since I was born up to now, my father is still writing his name in the history of our government. A p...