CHAPTER 21: LOOSEN UP

307 4 0
                                    

Loucy's POV
"Ma'am nandito po yung abogado niyo." Sabi sa akin ng kasambahay nang puntahan niya ako rito sa garden.

Nilingon ko siya at saka ako nagtanong. "Si attorney Francozo?" Paninigurado ko dahil hindi naman nabanggit sa akin ni Callos na pupunta siya ngayon dito sa mansyon. Isa pa ano naman kaya ang sadya niya? Ang issue ko pa rin kaya?

Huminga ako ng malalim. "Pakisabi sa kanya na puntahan niya na lang ako rito. Tapos pakidalhan kami ng makakain."

Tumango naman siya at iniwan na rin ako matapos kong magpasalamat. Habang hinihintay ko na dumating si Callos dito sa garden ay naupo na ako sa pinakamalapit na bench. Bored na bored na kasi ako sa loob kaya pumunta na lang ako rito sa garden para tignan ang mga tanim na bulaklak ni tita. Nakakatuwa ang mga rose niya dahil ang lago na at iba-iba pa ang mga kulay.

"Hey my Loucy." Lumingon agad ako sa pinanggalingan ng boses.

Sa halip na ngitian ko siya pabalik ay sinamaan ko siya ng tingin. Kaya naman habang palapit siya sa akin ay dala-dala na niya ang pagtataka sa mukha niya.

"Why? Ngayon na nga lang tayo nagkita ulit tapos ito pa ibubungad mo sa akin?" Sabi niya pag-upo niya sa tabi ko.

Umirap ako. "Paanong hindi? Ha sige nga Callos? Paano kung may nakarinig sayo sa tinawag mo sa akin? Maraming tao rito sa bahay. Kasambahay, bodyguards, tita ko. Lahat sila mga usyoso kung hindi mo itatanong."

I heard his deep sigh. "Hanggang ngayon ba itatago mo pa rin ako Loucy? Hanggang kailan ako magtatago sa likuran mo? Hanggang kailan ako magpapanggap na isang abogado mo lang ako at wala ng iba pa. Nagsisimula na akong mapagod."

Napatingin ako sa kanya. "Then leave. If you're just going to prove yourself that you're just like Ford, leave."

Nawala ang pagod sa mukha nito at masuyong tumingin sa akin. "Don't do this to me please. I am just explaining myself here, Loucy. Hindi naman komut sinabi ko na nagsisimula na akong mapagod suko na ako agad. I said that because I want you to do something. Lambing mo lang naman ang katapat ng pagtatampo ko eh."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Nagtatampo ka?" Hindi makapaniwala kong tanong sa kanya.

Walang alinlangan naman siyang tumango. "Ilang linggo na akong puyat at pagod dahil sa tinututukan ko ng husto ang issue na kumalat tungkol sayo. Hindi naman sa sinisisi kita. Ang gusto ko lang sana lambingin mo naman ako. Kahit 'yon lang ang kapalit ng lahat ng pagod at puyat ko ayos na ako. Pero kasi halos wala pang isang minuto na dumapo ang paningin mo sa akin sinamaan mo na ako ng tingin."

"Ikaw naman kasi eh. Hindi ka nag-iingat. Minsan na nga lang tayo magkita, mag-aaway pa ba tayo? Bakit nga pala hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka rito?" Mind as well change the topic. Kapag hindi pa kami umalis sa topic na 'yon ay mauuwi lang kami sa away.

Tinanggal niya ang simangot niya at saka ngumiti ng matamis sa akin. Nabaliw na yata 'tong abogado na 'to sa sobrang stress. "Well I have to tell you something."

"Hmm. Laki na ngiti mo ah. Sabihin mo na. Ano ba 'yon?" May nangingilatis na sabi ko sa kanya.

He was about to speak when I saw one of our maids holding a tray and walking towards us. Itinaas ko ang kamay ko para awatin si Callos sa pagsasalita. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin saka bumaling sa tinitignan ko.

"Hindi po alam ni ma'am Yancie kung ano ang gusto niyong dalawa kaya po pinadala niya na lang po sa akin parehas." Sabi ng kasambahay pagkalapit niya sa amin at inilapag sa mesa na nasa tapat ko. Gawa kasi sa bato ang bench na kinauupuan ko at ganon din ang mesa na kapareha nito.

Tinignan ko naman agad ang laman ng tray na dala niya. A bowl of macaroni salad, bread, a jar of nutella and iced tea. "It's okay. Gusto ko naman parehas 'yan. Salamat sa pagdala rito."

What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon