Loucy's POV
I am walking around my room while waiting for Ford to pickup my call. Magpapasama kasi sana ako sa kanya na bumili ng regalo para sa isang katrabaho ko na artista. Lalaki kasi 'yon at invited ako. Nakakahiya naman kung hindi ako pupunta diba. Kaya lang ang problema ko ay hindi ko alam kung ano ang ireregalo ko lalo na at lalaki pa naman 'yon. Si Ford ang maalam sa mga panlalaking gamit kaya baka matulungan niya ako na maghanap ng panregalo."Hey waffle. Napatawag ka." Bungad nito sa akin nang sagutin niya ang tawag ko.
Hanggang ngayon talaga nakakapanibago pa rin ang mga ginagawa niya. Noon kapag sinasagot niya ang tawag ko ang bungad niya agad sa akin ay "kumain ka na ba," at araw-araw din niya akong tinatawagan o di kaya tinetext lalo kapag umaga. Ngayon kung ano na lang ang masabi niya. I don't know if I am just being irrational and over reacting.
"Hello. A-Ah busy ka ba today? Magpapasama sana ako sayo pumunta ng mall. Birthday kasi ng kaibigan ko na artista bukas at imbitado ako. Kaya lang wala akong maisip na ireregalo sa kanya kaya magpapatulong sana ako sayo." Hindi ko maipaliwanag itong nararamdaman ko pero pakiramdam ko tatanggihan niya agad ako.
I heard him sigh on the other line. "I'm sorry Loucy. I can't. Dadayo kami sa Tarlac ngayon para magscout ng mga bata na may potential sa basketball. Ganto na lang. Kumuha ka na lang ng mga picture ng mga bagay na sa tingin mo pwedeng iregalo tapos isend mo sa akin. Titignan ko kung pupwede ba. Okay ba 'yon?"
Malungkot naman akong umupo sa kama ko. "H-Hindi na lang. Ako na ang bahala mag-isa. Baka makaistorbo pa ako mamaya sayo. Sige ibababa ko na 'to kasi paalis na ako. Ingat ka sa byahe papuntang Tarlac." Nagmamadaling pinatay ko ang tawag saka gumayak na ako para makaalis na.
Habang nagmamaneho ako ng kotse ko ay nag-iisip na ako ng pwede kong iregalo sa katrabaho ko pero parang maging ako ay hindi ko nagustuhan ang mga nasa isip ko kaya naman tinawagan ko si Callos pagkarating ko sa loob ng mall. Napangiti ako nang mabilis nitong sinagot ang tawag ko.
"Hello there miss beautiful. What can I do for you?" He said using his seductive voice.
Napairap ako sa kawalan habang may sinusupil akong ngiti sa mga labi ko. "Are you flirting with me Attorney?"
Mabilis naman itong sumagot na ikinatawa ko. "Am I too obvious?"
"Drop that topic. I called you to get some help. Do you have any idea what kind of gift is okay for a guy? Wala kasi akong maisip na maganda ipangregalo. I'm hoping that you can help me."
"Tell me what is the age of that guy first. Bata ba 'yan, binata o medyo may katandaan na." Sabi pa niya sa kabilang linya.
"Kasing edad mo lang siya." I answered.
"Hmm. How about shoes?" He suggested. "But do you know his size?" He added that made me groan.
"Nope."
"Okay, ganito na lang. Nasaan ka ba ngayon? Pupuntahan na lang kita para ako na mismo ang mamimili ng bibilhin mo. Hindi ka na naman sinamahan ng boyfriend mong manloloko." Hindi ako nakaimik sa sinabi niya.
"Hay nako. Text mo sa akin kung nasaan ka para hindi ka na mahirapan mamili ng pangregalo mo. Ako na ang bahala." Siya na lang ulit ang nagsalita nang hindi na ako kumibo pa.
"Huwag na. May pasok ka ngayon diba. Saka office hours pa." Pigil ko sa kanya. Nakakahiya naman kung aabalahin ko pa siya. Kahit naman manliligaw ko ay siya hindi naman ako ganon ka abusado no.
Oo tama ang sinabi ko. Ang abogado ko ay nililigawan ako. My private attorney is couting me secretly. In short we're having an intimate relatioship. No one knows, even my manager and my personal assistant.
BINABASA MO ANG
What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)
General FictionI grew up in a very open place. From my birth, to my childhood days, teenage days until now that I'm lady, almost everybody knows me. Who wouldn't? Since I was born up to now, my father is still writing his name in the history of our government. A p...