Loucy's POV
"Alam mo Loucy pakiramdam ko ano mang oras ngayon bibigay na 'yang katawan mo." Napailing na lang ako nang mapuna naman ni Mica ang sarili ko. Parehong-pareho sila ni Franz. Kaya lagi silang nagkakasundo e.
"Kaya ko pa ano ka ba naman Mica! Isang scene na lang naman ang kailangan kong magawa ngayong araw." Sabi ko sa kanya at magkasunod na nga kami na sumakay ng van.
Mabilis naman pinaandar ni kuya Jon ang sasakyan namin para makarating kami sa susunod na set. Kailangan naming magmadali dahil ako na lang ang wala roon. Tinapos ko pa kasi ang isang eksena kung saan nagpang-abot kaming dalawa ni Samantha dahil nalaman na niya sa script na ako ang babae ni Ludwig. Sa susunod na eksena naman ay magkikita kaming dalawa ni Ludwig sa isang coffee shop para ikwento sa kanya ang nangyari sa pagitan namin ni Samantha.
I can't help but to smile. Kailan naman kaya ako bibida sa mga palabas. Lagi na lang kasi akong kontrabida. The Goddess of the Antagonists. 'Yan ang bansag sa akin sa industriya ng showbiz. Pero di bale na lang din. Minsan nga mas kilala pa ako sa bida dahil sa galing ko sa pagiging kontrabida. Dito ako nakilala sa showbiz. Sa pagiging maldita at traydor. Kaya marami rin akong basher. Lalo na kapag pakiramdam nila aping-api na ang bida mula sa mga kamay ko. Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba 'yon dahil isa lang ang ibig sabihin non. Effective ang pag-arte ko.
Minsan nga pati si tita Yancie ko ay naiinis sa akin dahil tinututukan niya ang lahat ng palabas ko sa tv. Ganon siya kasupportive sa akin. Minsan magugulat ako, pagbukas ko ng pinto ng bahay galing shooting o taping sasapukin niya ako o di kaya ay sasabunutan ng mahina. Tatawanan ko lang siya kapag ganon dahil alam ko, na nadala na naman siya sa mga pag-arte ko sa palabas.
Nang makarating kami sa set ay inalalayan agad ako ni Mica palabas. Sinalubong naman ako ng isang staff ng network kung saan ako nagtatrabaho at dinala sa tent kung saan nandoon ang ilang damit at mga makeup artist. Mabilis nila akong inasikaso. Pinalitan ng damit, binago ng konti ang style ng buhok, pati makeup ko pinatungan at pati heels ko pinalitan. Sa mga oras na inaayusan nila ako ay tahimik lamang ako habang inaalala ang mga emosyon na dapat kong ipakita mamaya habang ibinabato ko ang mga linya ko kay Ludwig.
"Alam mo miss Loucy maganda ka pa rin kahit wala kang makeup. Sayang at hindi pa kita nakikitang umarte sa palabas na konti lang ang makeup. Puro naman kasi kontrabida ang role mo." Bwelta ng bakla na nag-aayos sa akin.
Nginitian ko naman siya mula sa salamin na nasa harap namin. Tama siya. Bihira ako magmakeup ng mild lang dala ng mga role na ginagampanan ko. Ang kontribida kasi, taglay dapat ang tapang at taray sa makeup pa lang.
"Okay let's go miss Loucy." Aya sa akin nang sumalubong sa amin kanina ni Mica habang si Mica naman ay naiwan sa dressing room para ayusin ang mga gamit ko.
Pagkarating ko sa loob ng cafe ay nakapwesto na si Ludwig habang hawak ang papel at nagbabasa ng script. Nang makita niya ako ay nginitian niya agad ako at bumeso sa akin. Lumapit naman agad sa amin si direk at prinaktis niya kami ng konti bago kami hinayaan na gawin ang trabaho namin.
"Leave her. Leave her Anthony." Pagkatapos non ay mas tinapangan ko ang emosyon na lumalabas sa mukha ko. "Kung hindi mo gagawin ang bagay na 'yon, ako ang mawawala sayo."
Tumayo ako sa silyang kinauupuan ko at lumapit kay Ludwig na nakaupo sa harap ko. Gaya ng kasama sa script, tumayo rin si Ludwig at hinila ako palapit sa kanya. Magsasalita ako kunwari na ginawa ko naman saka niya ako sinunggaban ng malalim na halik.
Naghalikan kami ng malalim at matagal sa harap ng maraming tao na nanunuod ng taping namin. Pero wala na lang sa amin ni Ludwig 'yon. Sanay na kami. Dahil ito ang trabaho namin.
"And cut!" Nang marinig namin na sumigaw si Direk ay naghiwalay na rin ang mga labi namin ni Ludwig.
"That was intense Loucy!" Natatawang sabi ni Ludwig na ikinatawa ko rin.
BINABASA MO ANG
What Lies Can Do (R-16 COMPLETED)
General FictionI grew up in a very open place. From my birth, to my childhood days, teenage days until now that I'm lady, almost everybody knows me. Who wouldn't? Since I was born up to now, my father is still writing his name in the history of our government. A p...
